NOTE: THE FIRST 20 CHAPTERS OF THIS STORY ARE A BIT CHEESY FOR IT WAS WRITTEN BY MY YOUNG SELF (A FEW YEARS BACK). BUT ALONGSIDE THE STORY, YOU WILL SEE HOW I IMPROVED AS A WRITER. PLEASE BEAR WITH ME. YOU CAN CHECK MY OTHER STORIES IF THIS ONE DOESN'T SATISFIES YOU.
Lindy's POV
They said, life is better when you have someone that you can share your memories with. A someone who will stick on your side in any circumstances and be with you all the way. But what if that someone is beyond from what you have been expecting? What if that someone isn't as gentle as you think?
Would you stay?
"Bwisit ka talaga Jao! Ang aga-aga iniinis mo nanaman ako! Leche!" - Abot langit kong sigaw habang tinitingnan ng masama si Jao.
"Bwisit ka rin! Wag ka ngang sumigaw dyan! Ang panget ng boses mo!" - baton niya pabalik na halata namang walang balak magpatalo.
"Eh pake mo bang Jao halimaw ka?! Lumayas ka nga sa harap ko!!" - pang-tataboy ko sa kanya, pero imbes na lumayo ay lumapit pa ito ng masyado sa akin saka dinilaan ako.
Sasapukin ko na sana siya ng bigla syang tumakbo ng mabilis. Napasapo nalang ako sa noo ko habang iniisip kung may ugnayan ba sila ni Lucifer dahil sa kapangitan ng ugali niya.
"Madapa ka sanang Jao Supamacho ka!" - bulong ko habang pinagdarasal na sana nga ay madapa siya, pero hindi nangyari.
Banas akong tumalikod at naglakad papalayo, maya-maya pa'y naramdaman ko nanamang nakasunod siya ulit sa akin.
Nilingon ko siya at itinaas ang isa kong kilay, "Oh, bat sumusunod ka nanamang lampayatot ka?" - mataray kong tanong.
"Hoy, anong lampayatot, ang macho ko kaya." - pagmamayabang niya habang ibinabalandra ang braso niya.
Psh.
Saan banda ang macho diyan?
"Tumigil ka, Supamacho lang yung apilyido mo pero hindi ka macho." - pambabara ko sa kanya sabay lakad ng mabilis.
Narinig ko naman siyang nag protesta at sumigaw ng, "Eh ikaw nga, Valleña apilyido mo kasi mukha kang Balyena, kaya yan tuloy, lawlaw ang mga panty mo!"
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
Ficción GeneralSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved