Lindy's POV
Days have passed at masasabi kong handa na kaming dalawa ni halimaw sa pasukan na mangyayari next week. We've already prepared our things at enrolled na rin kaming dalawa.
Ngayong araw ay abala kami ni halimaw sa paglilinis ng aming apartment na hindi namin napag-tuunan ng pansin nitong mga nakaraang araw.
Papatapos na sana kaming mag linis ng biglang may sunod-sunod na pag katok kaming narinig mula sa aming pinto. Nagka-titigan kami ni Jao at napa-kibit balikat. We're not expecting any visitors today, then who would it be?
‘Si landlord nanaman ba? Eh ang pagkaka-alam ko nag advance payment na si halimaw para sa susunod na mga buwan ah.’
Lumapit ako sa pinto para sana buksan ito pero bigla nalang akong napa-atras ng pwersahan itong bumukas kasabay ng pag-tambad sa akin ng mga gin kapitan.
“Hello-- shit! Sorry prinsesa!” — usal ni Henry na siyang bumukas ng pinto at halatang nagulat ng makitang napa-atras ako dahil sa ginawa niya.
Agad namang lumapit sa kanya ang nga gin kapitan at isa-isa siyang binatukan.
“Yan kasi! Excited na excited!” — bulyaw sa kanya ni Ethan.
“Tsk, buti nalang talaga at hindi natumba si prinsesa kundi, may taga-bitbit na tayo ng gamit mamaya.” — usal rin ni kuya Rey.
“Hindi ko naman sinasadya eh.” — depensa ni Henry habang nagkakamot ng ulo.
Nakita ko naman ang pag-iling ng iba pa niyang kasama na para bang isang napakalaking kasalanan ang nagawa niya.
“Ah hehe, ayos lang naman ako eh.” — sambit ko atsaka umatras para maka-pasok sila sa pinto.
Biglang lumapit sa akin si Jao at umakbay habang naka-tingin sa mga gin kapitan.
“Oh, anong meron? Bat parang mag cacamping kayo?” — natatawang tanong ni halimaw sa kanila.
Doon ko lang napansin na lahat sila ay pawang naka-jogging pants at black sando habang may mga malalaking bag na bitbit.
“Saan kayo pupunta?” — di maiwasang tanong ko.
Nagtitigan sila at sabay-sabay na ngumiti ng malapad.
“Okay, lawlaw at halimaw..” — panimulang usal ni Manny gamit ang endearment naming dalawa ni Jao. Marahan naman akong napatawa dahil sa sinabi niyang yun. “Mag handa kayo ngayon kasi mag cacamping tayo!” — masayang dugtong niya na binatunan naman ng mga sigawan ng mga gin kapitan.
Nagkatitigan kami ni Jao at nalilitong tumingin sa kanila.
“Camping? Bat naman tayo mag cacamping?” — patangang tanong ko.
“Syempre malapit na yung pasukan kaya kailangan sulitin na natin yung mga natitirang araw.” — naka-ngiting baton ni Ethan.
‘Camping? Alas dies ng umaga? Seryoso ba sila?’
Nakita ko ang pag-nguso ni Manny na para bang napansin ang pag-poprotesta mula sa aking itsura.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
