Lindy's POV
Tulad ng inutos ni mama, nilinis ko ang kwarto ko. Ito na siguro ang unang beses na nilinis ko ang kwarto ko ng ganito kabongga, usually kasi pag naglilinis ako ay sapat lang para hindi ako mapagalitan ni mama.
Napatigil ako sa paglilinis ng maalala ang bisitang paparating. Si Sofia... anak siya ng isa pang kaibigan nila mama na kababata namin ni halimaw na siyang nag migrate na sa states na. Of course di ko siya makakalimutan, isa siya sa dahilan kung bakit kami nag-away ni Jao dati.. At tandang-tanda ko pa ang bawat galit na kinimkim ko sa kanya nung mga bata pa kami. Pero ilang taon narin naman ang lumipas, malamang ay nawala na ang galit sa puso ko.
Ano na kayang itsura niya ngayon? Nung mga bata kasi kami ay may kabansutan siya, siguro bansot parin. O di kaya pudpud ng pimples sa mukha, o may putok? Natawa ako sa mga iniisip ko at biglang napatigil ng mapansing pumasok si mama. Pinaghanda niya ako at pinagligo dahil nasa airport na raw sila Sofia at konti nalang ay darating na.
Hindi ko ba maintindihan pero parang pinaghandaan ko ang okasyong ito. Nag suot ako ng color baby pink na tops at floral skirt na tenernohan ko ng doll shoes. I braided my hair to look more girly. Naglagay rin ako ng konting liptint at facepowder para naman hindi ako maging pale tingnan.
Nang matapos mag-ayos ay bumaba na ako sa aming kusina at nagulat nang tumambad sa akin ang maraming pagkain. Mukhang pinaghandaan talaga nila, sabi kasi ni mama ay it will also serves as their friendship reunion.
Nakita ko si Jao sa garden ng bahay namin na nakabihis na rin, nilapitan ko siya at mukha namang di niya ako napansin. Kung hindi ko pa siya siniko ay baka di niya mamalayan ang presensiya ko.
“Uy lawlaw, happy ako ngayon! Sa wakas makikita na ulit natin si Sofia!” — sambit ni Jao na halatang-halata ang pagka-galak sa mga mata. Ngumiti naman ako ng tipid dahil sa sinabi niya. "Buti nalang naisipan nila magbakasyon no? Dati pinipilit ko lang siya umuwi pag nagkaka-chat kami pero ngayon totohanan na.” — dugtong pa niya, agad naman akong napatingin sa kanya at halatang napansin niya yun kaya agad rin akong nag-iwas.
“Nagkakachat kayo? Kailan pa?” — tanong ko sabay kagat sa labi ng mapagtantong may kakaibang tono na namuo sa aking boses. Ayaw kong mag isip siya ng kung ano-ano tungkol sa pagtanong ko, mabuti nalang at mukhang hindi niya napansin.
“Matagal na, actually simula nung umalis sila ay may communication kaming dalawa.” — sagot niya, hindi naman ako nag abalang sumagot. May komunikasyon pala sila ng ganoon katagal? Bat di ko alam? Wala siyang nabanggit. Pero bakit naman kailangan kong malaman pa? Bakit ako naiinis?
Nagseselos ba a---
Hinampas ko ang sarili ko para matigil ang iniisip kong iyon.
‘Hindi.. Bakit ba ako nag-iisip ng kung ano-ano?’
“Okay ka lang?” — bumalik ako sa wisyo ng marinig ang boses ni Jao, nginitian ko lang siya at di na sumagot pa. Hindi ko ba alam pero parang nitong mga nakaraang araw ay mas naeenjoy ko ang pagiging tahimik, yung tipong parang tinatamad na ako magsalita at sagutin ang kung ano-anong tanong ng mga tao. Hindi na rin ako laging sumisigaw kasi kahit ako ay naririndi sa sarili kong boses.
Dahil wala pa sila Sofia ay naglaro kami ni Halimaw ng Bato-bato pick. Ang matalo ay pipitikin ng sampung beses. Parehong namumula na ang likod ng mga palad namin dahil kami pareho ay walang balak na magpatalo. Sa hindi na mabilang na beses ay hawak niya ulit ang kamay ko para ibigay ang pampitong pitik ng makarinig kami ng busina. Napatigil kaming pareho. Andyan na sila. Bago pa man ako makapag salita ay binitawan na ni Jao ang kamay ko sabay takbo paalis. Iniwan ako.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
Aktuelle LiteraturSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
