Lindy's POV
Lahat kami ay nagka-tipon sa sala ng aming bahay dahil sa pag labas ni papa. Kung pagmamasdan si papa ay parang walang ano man ang nagyari sa kanya dahil sa napaka-bubbly parin nito.
Halos lahat sila ay nagkaka-tuwaan habang ako ay nasa gilid lang at nagmamasid sa mga nangyayari, hindi ko ba alam pero nitong mga nakaraang araw, parang lagi akong na-oout of place sa kanila.
“Uy, okay ka lang?” — nagulat ako ng biglang may mag salita sa likuran ko.
“Ah, okay lang hehe.” — awkward kong baton sabay kamot sa aking batok.
“Alam mo lawlaw, mukhang stressed ka lately.” — bulong ni Jao habang naka-tingin sa akin ng deritso. “Sumama ka kaya sa amin?” —dugtong pa nito. Napalingon naman agad ako sa gawi niya ng yayain niya ako.
“Saan?” — tanong ko habang naka-tingin parin sa kanya.
“Basta.” — sagot nito at hinila na ang kamay ko.
Napahawak ako bigla sa dibdib ko ng maramdaman ang pag-bilis ng tibok ng aking puso. Hindi naman ito yung unang beses na hinila niya ako, pero bakit ganito?
Pagkarating namin sa kotse ay nakita kong andoon na si Sofia at bihis na bihis na.
“Hey Lindy!” — nakangiting bati nito sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya bilang baton.
Sumakay ako sa likurang bahagi ng kotse ni Jao habang si Sofia naman ay umupo sa passenger seat katabi ni Jao. Nice.
Halos silang dalawa lang ang nag-uusap kaya naman napasandal nalang ako sa head board ng kotse at tumingin sa bintana.
“So, as I was asking..” — napa-ayos ako ng upo ng bigla akong lingunin ni Sofia. “What course are you going to take Lindy?” — dugtong nito. Napansin ko namang nasa akin na pala ang atensyon nilang dalawa at mukhang iniintay ang magiging sagot ko.
“Uhm, di ko pa iniisip eh, pero nursing sana.” — sagot ko sabay tingin sa rear view mirror at napa-iwas rin ng mag tagpo ang tingin namin ni Jao dahil dito.
“Oh really? Well, Jao and I are going to take Business administration.” — nakangiting sambit ni Sofia.
“P-parehas k-kayo?” — tanong ko. Napakagat ako bigla sa labi ko ng mapagtantong nautal pala ako, sana di niya mapansin.
“Yes!” — natutuwang baton nito sabay dinutdot yung balikat ni Jao na ngayon ay kasalukuyang nag-dadrive.
Nanahimik na lamang ulit ako at napa-tingin sa labas ng mag simula ulit silang magkulitan. Bakit ganito yung kapalaran ko lately? Laging naiiwan sa ere? Tss.
Napa-ayos ulit ako ng upo ng dumating kami sa aming destinasyon. Isang school? Ano namang gagawin namin dito?
Pagkababa namin ay binasa ko ang malaking name stand ng school.
D. Harvey University?
Familiar itong school na ito since lagi siyang nababalita sa TV kung saan inilalaban ang mga players dito sa basketball at volleyball ng UST at DelaSalle. (AN: Charchar lang ha? hehe)
“Anong ginagawa natin dito?” — tanong ko habang iniikot ang paningin. Napaka-lawak nito, at halos mapapagod ka sa kakalakad dahil napaka-layo ng gaps ng bawat buildings.
“Mag-eentrance exam.” — maikling sagot ni Jao habang busy rin sa pag oobserba sa kabuuan ng lugar.
“Ano?!” — pasigaw na tanong ko na halata namang ikinagulat nila.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved