Enemy #66

383 58 0
                                    

Lindy's POV

Tulad kahapon ay sabay ulit kaming pumasok ni halimaw. Halos mapangiti ako ng makita ko siyang naka-sandal sa kotse niya habang hinihintay ako.

He was just there, standing patiently. Di tulad dati na halos umusok na ang ilong niya tuwing nahuhuli ako ng dating.

“Jao-jao..” — naka-ngiting tawag ko sa kanya dahilan para mapalingon siya sa akin. Hindi ko ba alam pero parang nag liwanag ang mukha niya nung nakita niya ako. “Good morning.” — bati ko sa kanya. Pero imbes na sumagot ay nagulat ako ng bigla niya akong hilain at mabilis na hinalikan sa pisnge.

“Ganyan ang good na morning, lawlaw.” — naka-ngiting usal niya.

“Loko ka ha! Baka may maka-kita satin.” — baton ko atsaka lumingon-lingon sa paligid. Mabuti nalang at walang bakas ng mga magulang namin ang makikita.

“And so? Mabuti nga kung malaman na nila eh, para maging legal na para sa akin ang halikan ka araw-araw.” — usal niya atsaka kumindat.

yawa.

“Pasaway ka.” — inis kunyaring baton ko atsaka pumasok na sa kotse niya.

Narinig ko naman ang pag tawa niya atsaka sumakay na rin sa kotse.

Halos buong byahe ay pasulyap-sulyap siya sa akin habang naka-ngiti kaya naman ay hindi ko maiwasan ang mapa-busangot.

“Halimaw ano ba, baka mabangga tayo.” — pag-sasaway ko sa kanya.

“Ayos lang, matagal naman na akong bumangga sayo. Boom! Hahaha.”baton niya na kinilig pa sa sariling joke. Tss.

“Loko ka, eh pano kung mabangga nga tayo tapos mamatay ako? Edi boom talaga. tsk.” — inis na usal ko.

Nakita ko namang bigla siyang sumeryoso dahil sa sinabi ko at mabilis akong kinotongan.

“Hoy lawlaw! Anong mamamatay ha? Bad joke yan ah!” — bulyaw niya habang umiiling-iling.

Hindi naman na ako sumagot kaya't naging tahimik na ang buong byahe.



Pagka-rating namin sa school ay hinawakan nanaman ni halimaw ang kamay ko kaya't may mga mangilan-ngilan nanamang napapalingon sa gawi namin.

Pero hindi pa man kami nakaka-rating sa classroom ay tinawag siya ng mga teammates niya sa basketball kaya naman ay no choice ako kundi ang pumunta mag-isa sa aming room.

Dahil medyo maaga pa ay halos wala pang tao sa aming building. Sakto namang bubuksan ko na sana ang pinto ay naka-sabayan ko si Sofia na hindi ko alam kung saang lupalop sumulpot.

Pagka-lingon ko sa kanya ay masama ang tingin nito na para bang hindi natutuwa sa presensiya ko.

“You look happy.” — sarkastiko niyang usal habang mataray na naka-tingin sa akin.

“Of course I am, ikaw ba naman mahalin ng mahal mo. Di kaba magiging masaya?” — mapang-asar kong baton.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon