Lindy's POV
“Lindy, okay ka lang ba? Sinaktan kaba?” — napatingin ako kay Bonnita nang dali-dali itong lumapit sa akin na parang nag-aalala.
Snack break na at karamihan ng mga kaklase ko ay pumunta na sa cafeteria para mag snack pero mas pinili ko lang na mag stay sa room kasama si Bonnita.
“Ha? Ayos lang ako, bakit naman ako masasaktan?” — nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Buti naman at ayos ka lang, akala ko kung ano na yung ginawa sayo ni Cloud eh.” — baton nito habang chinicheck ang katawan ko.
Si Cloud yung seatmate ko na jowa ni doktora kung di ako nagkakamali. Bakit naman kaya naisip ni Bonnita na may gagawin itong masama sa akin?
“Ano bang ibig mong sabihin?” — nagtatakang tanong ko ulit sa kanya. Umupo naman ito sa harap ng upuan ko at sinimulan nang mag kwento.
“Yang si Cloud Harvey, naku! Kahit gwapo yan hindi ko yan crush.” — panimula nito habang tumitingin-tingin sa paligid kung meron bang paparating. “Mahilig yan sa gulo at wala yang sinasanto, sa oras na mainis siya sayo, naku magdasal kana! Tapos chainsmoker yan at trashtalker pa, halos hindi matatapos yung araw niyan ng hindi nagmumura.” — dugtong nito sabay silip ulit sa labas kung meron bang paparating, nang makitang wala ay dali-dali ulit itong bumalik sa pwesto niya at ipinag-patuloy na ulit ang kwento. “Alam mo bang dalawang beses yang nagbalik sa grade 12 kasi laging nasasangkot sa gulo kaya naman ipinatapon yan ng lolo niya, which is yung may-ari ng school na 'to, sa Australia. Kaya nga 21 years old na siya pero first year college palang.” — dugtong pa nito.
Para bang bigla akong kinabahan dahil sa kwenento ni Bonnita sa akin. Kung ganito pala siya ka-wild, eh bakit parang maamong tupa siya pag kaharap niya si doktora? Hays, pag-ibig nga naman oo.
Natahimik kaming pareho ni Bonnita ng biglang pumasok si Cloud sa classroom. Blangko ang mukha nito at naka-tali na ang mahabang buhok na nagpadagdag naman sa appeal niya.
Para akong nanigas sa inuupuan ko ng bigla na itong umupo sa upuan niya, habang si Bonnita naman ay dali-dali na ring bumalik sa seat niya.
Halos napaka-tahimik pa ng buong classroom dahil kokonti palang ang tao, nananatili lang akong naka yuko habang pinapakiramdaman ang bawat kilos niya. Bakit ko ba naman kasi hinayaan si Bonnita na mag kwento tungkol sa kanya eh, natakot tuloy ako bigla.
Maya-maya pa ay nakita ko itong bumunot ng lighter mula sa bulsa ng polo niya at nag sindi ng yosi. WTF? Seryoso ba siyang magyoyosi siya dito sa loob ng classroom? Eh kanina binanggit sa orientation na ipinagbabawal ito ah.
Nakita kong tumingin sa gawi niya ang mangilan-ngilan naming mga kaklase pero ni isa ay walang nag lakas loob na sumaway sa kanya, halatang mga takot rin ito. Humithit ito sa sigarilyo at biglang ibinuga ang usok sa gawi ko. Bigla naman akong naubo ng masinghot ko ang usok mula rito.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
