Lindy's POV
Maaga akong nagising ngayong araw dahil napag-isipan kong pumasok ng maaga. Ayaw kong maka-sabay si Jao kaya naman 6:00 o'clock palang ay papasok na ako. Usually kasi pag kasabay ko si halimaw papuntang school ay 7:30 na kami umaalis, tutal ay by 8:00 pa naman ang assembly kaya napaka-aga ko talaga ngayon.
Inihanda ko ang sarili ko hangang makuntento sa aking ayos. My pencil-cut skirt and my long-sleeved uniform looks good on me.
“Lindy, papasok kana ba?” — biglang tanong ni mama ng makitang papalabas na ako ng gate. Tumango ako bilang sagot bago marahang ngumiti. “Oh! Wait for me here, okay?" — sambit pa nito bago nagmadaling pumasok sa aming bahay.
Nagtataka man ay wala akong nagawa kundi ang mag-intay. It took how many minutes before she came out, at pagkalabas niya ay nakita ko ang kanyang ayos na para bang handa nang umalis.
“Ihahatid na kita 'nak.” — wika nito dahilan para mapamaang ako sa gulat.
I smiled because of what she'd said. Ang mga ganitong uri kasi ng sitwasyon ay minsanan lang mangyari. Madalas kasi ay si papa ang naghahatid sa akin o di kaya nama'y nagcocommute lamang ako pag busy silang dalawa. My parents, along with Jao's parents, are handling a company altogether. And because of that, they only have a limited time to chill.
Nginitian ko nalang si mama at niyakap. Simple man ang gagawin niyang paghatid ay hindi ko parin maiwasan ang maging masaya.
Tahimik lang kami ni mama habang nagbabyahe, kaya naman nung nakarating na kami sa school ay nagulat ako ng may iabot siya sa aking paper bag.
“Ano to 'ma?” — tanong ko habang binubuksan ang paper bag na naka-stapler pa.
“Uhm, isinasauli ko na yung mga gamit mo.” — she answered.
Pagkabukas ko ng paper bag ay halos magliwanag ang mga mata ko sa nakita. Lulan nun ang aking cellphone, wallet, at laptop!
Sa sobrang tuwa ay niyakap ko si mama ng mahigpit. Ang tagal ko nang hindi nagagamit 'tong mga 'to, buti naman at naisipan na niyang ibalik.
Pagkalipas ng ilang minutong pag-uusap ay lumabas na ako ng sasakyan. Dala ko ang ngiti sa aking labi habang naglalakad papunta sa office ni principal. Ito na ang huling araw ng punishment namin at kahit ata gaano kahirap ang ipagawa ay hindi ako magrereklamo.
“Hoy!”
Halos mapasinghap ako sa gulat ng bigla akong hilahin ng kaklase kong si Laila habang nasa kalagitnaan ng paglalakad. Mabilis ko naman siyang napalo sa balikat dahil rito.
“Bakit ba? Nakakagulat ka talaga kahit kailan.” — sambit ko sa kanya habang inaayos ang aking uniform. Natawa naman siya dahil 'ron.
“Saan kaba kasi pupunta at diyan ka dadaan? Eh diba dito yung room natin?” — tanong niya sabay turo sa kabilang direksyon.
“Eh diba may punishment pa kami?” — sagot ko naman sa kanya.
“Ha? Eh diba wala ka nang punishment? Ligtas kana.” — nakangiting sambit niya habang nakapulupot sa aking braso.
Mabilis kong nai-kunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. Sekreto ang punishment namin ngayon, at kung ano man iyon ay wala akong ideya.
“Anong ibig mong sabihin?” — nagtatakang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
Ficción GeneralSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
