Lindy's POV
‘They said, if you're really into a person, every little things that they do matters to you.’
Maaga akong nagising at nag-ayos ngayong araw sa hindi maipaliwanag na dahilan, despite of the fact that I slept very late last night.
Matapos mag-ayos ay pinulot ko agad ang cellphone ni Jao mula sa aking study table. Balak ko sana itong ibalik sa kanya pero bago pa man ako makatawid papunta sa kanyang kwarto ay napansin ko na itong naglalakad papunta sa garahe at halatang papaalis.
“Jao!” — sigaw ko mula sa veranda ng aking kwarto dahilan para mapalingon ito sa gawi ko. “Sandali!” — sigaw ko muli sabay dali-daling bumaba.
Naka-kunot ang noo nito pagkarating ko kaya naman agad ko siyang nginitian ng matamis. Ewan ko ba, natuwa ako sa mga nakita ko sa cellphone niya kagabi.
“Bakit?” — naka-simangot nitong tanong. “Anong ginagawa mo dito?”
“Good morning! Oh, cellphone mo.” — naka-ngiti kong baton sabay kapa ng cellphone niya sa bulsa ko pero bigla ring nagulat ng mapansing wala ito dito. “Hala, asan na yun?” — bulong ko habang tumitingin-tingin sa paligid. San ba napunta yun?
“Psh. Later na, may lakad ako.” — sambit niya sabay talikod dahilan para mapakunot ang noo ko. Anong problema nito?
“Hoy Jao, ano ba problema mo?” — kunot-noo kong tanong sabay lakad papalapit sa kanya.
“Wala. Umalis kana.” — sagot nito sabay ipinag-patuloy na ang paglalakad papunta sa kanyang kotse. Kamot ulo naman akong naglakad papalapit ulit sa kanya.
“Ano nga yun?” — tanong ko ulit pero pinasadahan niya lang ako ng isang blangkong tingin.
“Wala.” — maikling sagot nito sabay bukas ng pintuan ng kotse niya. Bago pa man siya maka-pasok ay agad-agad kong isinirado ng malakas yung pinto, halata namang nagulat siya at tumingin sa akin ng masama.
“Ang arte-arte mong lampayatot ka! Di ka naman gwapo! Ano ba kasing problema mo?!” — bulyaw ko sa sabay amba sa kanya ng suntok sa balikat.
Napa-yuko naman siya at biglang nag kamot ng ulo.
“Ikaw eh, pina-alis mo 'ko kagabi sa kwarto mo. Oh e diba ayaw mo ko kasama? Edi Chupi! Alis!” — naka-nguso niyang sambit dahilan para mapa-kunot ang aking noo.
‘Nagtatampo siya kasi pina-alis ko siya kagabi? tsk.’
Unti-unting gumuhit ang ngiti sa aking labi dahil sa pagdadahilan niya. Wtf lang Jao! Kung alam mo lang kung gaano ka ka-cute ngayon.
“Oh anong ngini-ngiti ngiti mo diyan?” — naka-busangot niyang tanong. Bigla naman akong napa-tikhim dahil rito atsaka tiningala siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/89364198-288-k648696.jpg)
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
Fiksi UmumSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved