Lindy's POV
“Sunog! Sunog!”
Napa-balikwas ako mula sa pagkakahiga ng makarinig ako ng malakas na pagsigaw. Pakiramdam ko lahat ng antok na mayroon sa katawan ko ay nawala ng marinig ang bruskong boses na iyon.
“Asan?” — pumupungas kong tanong habang inikot-ikot ang paningin para hanapin kung nasaan ang sunog, pero imbes na makakita ng apoy ay ang tumatawang mukha lang ni Jao ang nakita ko.
Mabilis akong napabusangot matapos siyang batuhin ng unan bago mahiga ulit. It is so fvcking early and he is up again for a prank. Well, ano pabang bago?
“Hoy lawlaw tumayo kana diyan!” — narinig kong sambit niya habang hinihila-hila ang kumot ko.
“Ayaw ko.” — tamad ko namang sagot habang naka-pikit.
“Tumayo kana nga diyan, may pupuntahan tayo.”
Mabilis akong napadilat at sumiplat sa kanya.
“Saan?” — tanong ko.
“Basta sikreto.” — he replied, smiling like a maniac. Tss.
“Pwes ayoko!” — maktol ko atsaka muling nagtalukbong ng kumot.
Handa na sana akong bumalik sa pagtulog ngunit agad akong napasinghap sa gulat ng mabilis niya akong hilahin patayo.
“Wag kana mag reklamo! Maligo kana at magbihis para maka-alis na tayo.” — bulyaw niya sabay hatak sa akin papasok sa CR.
Gigil ko siyang tiningnan at doon napansing nakabihis na pala ito.
“Hindi na ako maliligo.” — tamad na sambit ko na agad naman niyang tinutulan.
Sa huli ay wala rin akong nagawa kundi ang sumunod sa gusto niya. I bathe myself and do all the rituals to be clean.
Habang nag bibihis ay nakarinig ako ng malalakas na pagkatok mula sa aking pinto. Alam kong si Jao iyon kaya binilisan ko na ang pag-aayos sa sarili at nagmadaling lumabas.
I wore a white shirt paired with a denim blue dress-jumper na pinaresan ko ng puting sapatos. My outfit looks girly and great.
“Hoy, kanina pa ako sigaw ng sigaw dito di ka sumasagot!” — inis na sambit niya sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.
“Eh kung di kaba naman loko-loko, alam nang nagbibihis ako diba? Sa tingin mo ba pagbubuksan kita ha!” — pasigaw ko ring baton.
Nag intay ako ng sagot mula sa kanya pero hindi na siya umimik at patuloy lang na sumiplat sa aking buong katawan. Maya-maya pa ay bigla nalang itong tumalikod at bumaba ng hagdanan sabay sabing, “Bilisan mo, ang panget mo parin lalo na sa suot mo.”
Literal na napauwang ang bibig ko sa kanyang sinabi. Wth? Alam niya ba ang depinisyon ng panget? If not, he should look at the mirror then. Ew.
Mabilis na akong bumaba para makasunod sa kanya. Pagkalabas ko naman ng bahay ay nakita kong nakasakay na siya sa kanyang kotse at halatang inip na inip na.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved