Enemy #42

505 58 3
                                    

Lindy's POV


My mother once told me na ang pinaka-masarap na compliment na maaari mong marinig ay iyong mga hindi inaasahan.’

Uy sabi daw ni ma'am, magnifico’ hehe.” — naka-ngiting usal ko kay Ulap habang inaayos ang aking gamit.

Matapos ang subject namin sa aming professor ay mayroon kaming 20 minutes break. Karamihan sa mga kaklase ko ay pumunta sa cafeteria para mag snack habang kami ni Ulap ay nag-paiwan lang sa classroom.

Magaling ka eh.” — baton nito na mas lalong nagpa-lawak ng ngiti ko. Sa sobrang galing mo, pati bisyo ko sinabi mo.” — dugtong nito dahilan para biglang mapalitan ng pagka-busangot ang kaninang malawak kong ngiti.

“Uy at least binawi ko naman! Ang bait-bait mo nga sa mga sinabi ko eh! Para kang anghel. Hahaha.”mapang-asar kong baton, kunot-noo naman itong lumingon sa gawi ko atsaka umiling. “O sige na pasalamatan mo na ako.” — taas noo kong dugtong habang naka-tingin sa kanya.

“For what?” — tanong nito pabalik sabay kumuha ng yosi mula sa bulsa niya atsaka sinindihan.

“Dahil sa mga sinabi ko kanina.” — baton ko sabay upo sa upuang nasa harapan niya.

“Tss. Umalis ka nga diyan, mauusukan ka eh.” — sambit nito atsaka humithit at bumuga ng usok sa gilid na para bang inilalayo ang usok sa akin. “Psh. Bakit naman kita pasasalamatan, did I asked for it?” — tanong muli nito sabay tingin ng deritso sa akin.

“Hindi.”napapahiyang sagot ko sa kanya na binatunan naman niya ng mapang-asar na ngisi.

“Exactly. Hindi ko yun hiniling sayo kaya wala akong dapat ipag-pasalamat.” — baton nito atsaka humithit muli sa kanyang sigarilyo.

“Eh pero ako yung dahilan kung bakit proud ngayon sayo yung lolo mo.” — pambawi kong sambit. Bigla namang kumunot ang noo nito atsaka marahang umiling.

“Proud? Tss malabo.” — bulong nito atsaka nag sindi ng panibagong yosi ng maubos na ang nauna. Tsk. Chainsmoker talaga.

Oo kaya. Nakita ko yung ngiti sa labi niya habang nakikinig sa sinasabi ko kanina. Halatang proud na proud siya sa mga nalaman niya tungkol sayo.” — pahayag ko dahilan para tumingin ito sa akin gamit lamang ang mata.

“Quit it, malabo yun, namamalikmata ka lang.” — usal niya atsaka tumingin na muli sa bintana.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon