Enemy #30

493 61 3
                                        

(Following me here in watty won't kill you, hehe.♡)


Lindy's POV


Tapos na ang orientation kaya naman pumunta na ang lahat ng freshmens sa kanya-kanya nilang rooms, syempre pati kami. Sama-sama kaming mga Bus.Ad class na naglalakad papunta sa aming room na talaga namang masasabi kong napakalayo mula sa auditorium.

Lindy, ang ganda niya no?” — bulong sa akin ni Bonnita habang naka-turo kay Sofia na kasalukuyan ay nakahawak sa braso ni Jao habang naglalakad sa harapan namin.

Ah, oo hehe.” — ngiting baton ko sabay tingin kay Sofia mula ulo hanggang paa. Ang ganda nga naman talaga nito kung tutuusin, kaso may pagka-btch lang talaga ang ugali, hindi ko nga alam kung nagkakataon lang ba na bad mood siya pag ako yung kausap niya o talagang may secret anger ito sa akin. Hmm.

Kilala mo ba sila? Parang ang ganda kasi ng lahi nila eh hehe, lalo na yung guy.” — kinikilig na bulong ni Bonnita.

Ah oo, kababata ko silang dalawa. Yung babae si Sofia yan, tas yung lalaki naman si Jao, bestfriend ko yang si Jao.” bulong ko ulit kay Bonnita habang patuloy paring naka-tingin sa kanila.

Talaga kababata mo sila? Ang galing naman, tapos bestfriend mo pa yung isa hehehe.” — natutuwang baton ni Bonnita. “Mag-jowa ba silang dalawa?” — tanong nito ulit.

Ha? Naku hindi, magkaibigan lang rin yan sila.” — medyo malakas na sambit ko kaya naman bigla kong nakagat ang labi ko dahil dito. Halata kasing narinig rin iyon ni Sofia dahil napa-lingon ito sa gawi namin.

Magtatanong pa sana ulit si Bonnita ng bigla ko itong senyasan na mamaya nalang. Pagkarating naman namin sa aming classroom ay nag-kumpulan ang mga kaklase ko sa bawat isa na halatang nakikipag-kilala, habang ako naman ay patuloy paring kinakausap ni Bonnita.

Maya-maya pa ay nag-hanap na kami ng mga kanya-kanyang upuan, by two's ang arrangement ng mga upuan kaya naman ay kailangan mong mag-hanap ng magiging ka-seatmate mo. Napatingin ako sa gawi ni Jao at nakita siyang papa-upo na sa second row ng mga upuan malapit sa may bintana, lalapit na sana ako sa tabi niya para makipag-seatmate sa kanya ng biglang ilapag ni Sofia yung bag niya sa upuan.

“Oopps, I came first.” — naka-ngiting saad ni Sofia habang naka-titig sa akin. Inilibot ko naman ang ulo ko para sana maghanap ng ibang upuan ng makitang halos lahat ng mga kaklase namin ay naka-upo na. Pati si Bonnita ay nakita kong may seatmate nang lalaki. Hays.

“Uhm, I can change seat naman para kayong dalawa nalang ang maging magkatabi.” — sambit ni Jao na akmang tatayo na sana ng bigla siyang pigilan ni Sofia.

“But Jao, I want you to be my seatmate.” — naka-pout na sambit ni Sofia habang nakatitig kay Jao. Halata namang nalito si Jao dahil nagpa-balik balik ang pag tingin nito sa akin at kay Sofia.

“Ah, okay lang, maghahanap nalang ako ng ibang seats.” — naka-ngiting saad ko kay Jao atsaka tumalikod na.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon