Lindy's POV
‘Falling in love to a person is not easy. It will struggle your whole life hiding and denying it without making yourself obvious.’
Ala-una na ng madaling araw at andito parin ako sa ospital kasama si papa. Ako ang nag presinta sa kanila na mag bantay ngayong gabi. Pagkatapos ko umiyak kay Jao ay agad ko na siyang pinauwi. Hindi naman siya nag-react at sumunod na rin.
Pinagmasdan ko ang natutulog na si papa. Sabi ng doctor kanina ay okay na raw siya at intayin nalang na magising. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni papa kasabay ng malalim na paghingang aking pinakawalan.
Sana magising na siya agad.
Naputol ang pag-iisip ko ng makarinig ako ng mahihinang pagkatok sa pinto. Tiningnan ko kung sino ito at nagulat ng pumasok si Jao.
"Anong ginagawa mo rito?" -mahinang tanong ko sa kanya. Ala una na kasi ng madaling araw tapos pumanhik pa siya rito. Ngunit di ko rin naman maipagkakaila na nasiyahan ako ng konti kahit papano.
"Si tito yung pinunta ko dito, hindi ikaw." - sagot naman niya ng may halong pang-aasar. Sa halip na sumagot at makipag-talo ay marahan ko siyang kinurot.
Parehas kaming tahimik na nakatitig kay papa. Walang nagsasalita. Di ko ba alam pero parang medyo nahihiya ako sa kanya. Na-aawkward siguro ako kasi alam kong may malisya na itong nararamdaman ko sa kanya.
Maya-maya pa ay inaya niya ako papuntang rooftop ng ospital para magpahangin. Pagdating namin sa rooftop ay para akong ibon na nakalaya sa hawla. Ang sarap sa pakiramdam, napaka-presko.
Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin patalikod. Di ko alam kung paano mag rereact kaya hinayaan ko nalang siyang yakapin ako. Bumilis ang pag tibok ng puso ko. Sa tingin ko nga ay namumula ang mga pisnge ko ngayon.
"Malamig kasi, wala kang jacket." - mahinang bulong niya na sapat na para marinig ko.
Kung iisipin ang ganda ng pwesto namin ngayon. Nasa rooftop kami ng ospital na tanaw ang city lights. 1:00 am na. Solo namin ang place at dim lang ang light. Napaka-romantic. By this time, feeling ko ako si Vanessa Hudgens at siya naman si Zac Efron.
"Kamusta ka?" - tanong niya kasabay ng pagpatong ng chin niya sa ulo ko. Hindi ko maiwasang kabahan na baka marinig niya ang malakas na tambol sa dibdib ko. Ngayon niya lang ulit ako kinamusta, at ngayon ko lang din napagtanto na nakakamiss pala siya ng sobra.
"O-okay lang." - sagot ko, di ko maiwasang mapakagat sa labi ko ng mapagtantong nautal pala ako. Naramdaman ko namang niyakap niya ako ng mas mahigpit.
"You're lying." - matipid na sambit niya na para bang alam na alam niya ang nararamdaman ko. Nagpakawala naman ako ng isang napakalalim na buntong hininga. Kahit gago si Jao, kilalang-kilala na niya ako. "You know what, di mo naman kailangan mag pretend na matapang ka lagi eh. I know that you are too strong, pero di na healthy yung pipigilan mo yung sakit diyan sa puso mo para lang mapanindigan yung pagiging matapang mo." - Di ko maiwasang mapa-luha sa sinabi niya. Those words are the words I really need to hear.
Kumawala ako sa yakap niya at tinitigan siya habang patuloy parin na tumutulo ang aking mga luha.
"Jao.." - bulong ko kasabay ng mga paghikbing aking pinakawalan. Tinitigan niya rin ako ng deritso sa mata. Bigla niya akong hinila at niyakap ulit ng mahigpit.
"Sige iyak ka lang, andito lang ako, di ako mawawala pangako." - mas lalo pang tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi niya.
‘Jao, please wag kang ganto.. Baka mas lalong lumalim ang pagka-hulog ko sayo. Natatakot ako na baka di mo makita ang pagkahulog ko at di mo 'ko masalo.’
"Tahan na.." - bulong niya. "Shet naman oh, ayokong umiiyak yung tropa ko." - pamatay sa katahimikan niyang sambit. Unti-unti namang lumuwag ang pagkayakap ko dahil sa narinig.
Tropa.
Nice.
Pang tropa lang naman talaga ako.
Ngumiti ako ng mapait sa kanya, sana hindi niya iyon mapansin.
Inayos na namin ang sarili namin at bumalik na sa room ni papa. Pagdating naman namin ay tulog parin siya, natulog na rin ako ng makaramdam ng matinding pagod. Masyado nang marami ang nangyari ngayong araw, kailangan ko muna sigurong magpahinga.
"Lindy, baby girl?" - bigla akong napabalikwas ng makaramdam ng marahang paghaplos sa aking buhok.
Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at ipinikit ulit ito ng tumama ang sinag ng araw sa mukha ko.
Inikot ko ang paningin ko at napagtantong umaga na pala. Wala na rin si Jao dito, hindi manlang nagpaalam.
Napatigil ako sa pag-iisip ng may humawak sa kanang kamay ko. Tinitigan ko kung kanino nagmula ang kamay na humawak sa akin at biglang nagulat.
"Papa?" - gulat kong sambit at hindi makapaniwalang gising na siya. Halos di ko alam kung gaano kalaki ang mata ko habang nakatitig kay papa. Walang ano-ano ay agad ko siyang niyakap ng napaka-higpit na para bang wala nang bukas.
Ibinalita ko sa kanila ang nangyari kaya naman nag madali silang lahat na maka-punta rito sa ospital habang ako naman ay nagpaalam muna na umuwi para makapag ayos ng sarili. Nag mumukha na kasi akong dugyutin dahil halos wala pa akong ligo simula pa kahapon. Tutal ay inaayos nalang naman nila ang papers ni papa para ma discharge na.
Habang papauwi ako ay di ko maiwasang labis na magpasalamat sa panginoon dahil sa pag-gising ni papa.
to be continued...
AN: Visit Goorgeous' timeline for more amazing stories.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
Ficción GeneralSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved