Enemy #61

559 60 11
                                    

(Play the featured song above.

Title: Di ba halata
Singer: Agsunta )

-

Lindy's POV


'I used to believe the quotation that says - "enemies cannot turn into lovers.." but in my state right now, I can proudly say that I will be opposing that opinion..'

Matapos umalis ni Cloud ay bumuhos ang malakas na ulan kaya wala kaming choice ni halimaw kundi ang pumasok sa ice cream shop.

Kasalukuyan kami ngayong naka-upo sa mahabang sofa habang naka-harap sa isa't-isa. Pareho kaming naka-yuko at pawang mga tahimik at nagpapakiramdaman.

Bigla akong naka-ramdam hiya fvck.

I was in the middle of scratching my fingers when Jao slowly and gently hold my right hand. Halos muntikan pa akong mapa-singhap sa gulat pero napigilan ko.

Ramdam ko ang pag pipisil-pisil niya sa kamay ko pero nanatili lang akong naka-yuko at hindi nagsasalita.

My heart is not in it's proper state. Ramdam ko ang mabilis na pag tibok ng puso ko dahil sa kaba, sa hiya, at dahil sa tuwa.

"Y-yung k-kanina.." - nauutal na bulong ni Jao.

Halos muntikan pa akong mahulog sa sofa dahil sa biglaang pag salita niya. Tulad kanina ay hindi ko magawang tumingin. Parang biglang sasabog ang puso ko dahil sa mga pangyayaring to!

Pasimple kong sinilip si Jao at nakita itong naka-tingin sa ibang direksiyon habang ikinakamot sa ulo ang bakanteng kamay niya.

Bigla kong nakagat ang labi ko ng hindi ko maiwasan ang mapangiti habang pinagmamasdan siya. He looks so shy and fvcking cuteee. Damn.

Halatang nahihirapan rin siyang makipag-communicate sa akin. Kitang-kita ko ang pamumula ng tainga niya na sa wari ko ay dahil sa kilig at pagka-hiya.

"I can't believe that you love me.." - naka-ngiting bulong niya.

Napa-pikit naman ako ng mariin atsaka kukunin na sana ang kamay kong hawak-hawak niya pero mas hinigpitan niya ito.

"Please, don't let go.." - bulong niya in a low and husky voice! Fvck! This is torture..

Hindi ko maiwasan ang matawa dahil halatang na-aawkward rin siya sa sitwasyon.

"B-bakit ka t-tumatawa?" - naka-busangot niyang tanong.

"Wala, ang cute mo eh." - naka-ngiting sagot ko.

Nakita ko naman ang mas lalong pag pula ng tainga niya dahil rito.

Jao is now a gent. But as upon looking at him right now, he looks like a little boy with a mustache.. Ewan ko ba, pero hindi ko maiwasan ang mapa-titig sa tumutubo niyang mala-balahibong pusa na bigote sa ilalim ng kanyang ilong.

Naging abala ako sa pag masid sa mukha niya at halos magulat pa ng biglang umangat ang paningin nito hanggang sa mag tama ang paningin namin.

Kitang-kita ko ang pamumugto ng mata niya dahil sa pag-iyak, pero di tulad kanina ay wala na akong makitang lungkot sa mga iyon.

Dahan-dahan niyang inangat ang mga kamay namin at hinalikan ang kamay kong hawak niya ng hindi manlang nagagawang kumurap.. and when his lips touches the back of my hand, I can't help but to cry.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon