(Note: Previous chapters are unedited, so bear with my typos and grammatical errors. TY! 🍀
Play the featured song as you read this chapter.
Title: Heaven knows
By: Rick Price 🤎🤍)--
Cloud's POV ☁️
'Sometimes we make inappropriate things when our emotions are unstable. We do what we think. And sometimes, those actions can leave a mark that nobody will ever forget.'
Makulimlim ang buong paligid habang tinatanaw ko ang paunti-unting pag buhos ng ulan mula sa labas ng bintana.
'May bagyo ba?'
Tila ba kakaiba ang himig ng kalangitan ngayon. Bumubuhos ang ulan na para bang naghihinagpis. May mga halong pag kulog at pag kidlat na hindi ko alam kung saan ba nagmumula.
Ala cinco y media na ng hapon at mula sa kinauupuan ko ay halos ramdam ko ang lamig na unti-unting bumabalot sa paligid.
Nasa estado ako ng pagmumuni-muni ng maagaw ng atensiyon ko ang malakas na vibration na nagmumula sa aking cellphone. Hinayaan ko ito at hindi pinansin pero nang ilang beses na itong mag vibrate ay tamad akong tumayo at lumapit sa aking cellphone para singhalan ang kung sino mang istorbo sa aking pagmumuni-muni ngayon.
"Hello!" - inis kong singhal pagka-sagot ko ng tawag. Halos hindi ko na nagawang silipin kung sino ba ang caller dahil sa pagka-irita."H-hello?"
kunot-noo kong tiningnan ang screen ng aking cellphone para makita kung kanino ba ito galing. Unregistered number. Sino naman kaya ito?
"H-hello!" - pag-uulit niya ng hindi ako sumagot.
"Tss. sino to?" - wala sa wisyong tanong ko.
"M-may number k-kaba ng m-mga magulang ni L-lindy? Pa-send naman p-please.." - usal ng isang boses ng hindi pamilyar na babae mula sa linya ng tawag.
"Sino ba 'to?" - nagtatakang tanong ko.
"Si D-diana.." - usal niya, inisip ko naman kung saan ko narinig ang pangalan niya. Kung di ako nagkakamali ay ito ang kasalukuyang kasama ni Lindy sa apartment niya. "P-please paki-send na agad asap.."
Mas nangunot ang noo ko ng mahimigan ang pagka-taranta sa kanyang boses.
"Bakit, anong nangyari?" - tanong ko.
"Basta isend mo nalang!!!" - malakas na sigaw niya atsaka napa-hagulhol sa pag iyak.
Hindi ko ba alam pero para bang may kakaibang kaba ang namuo sa aking sistema. Kasabay nun ang pag tunog rin ng telepeno sa aming bahay kaya naman ay nilapitan ko rin ito at sinagot. Dalawang linya ng tawag ang hawak ko ngayon.
"Hello?" - sagot ko sa telepeno.
"P-pare!" - kung may ikukunot pa ang noo ko ay sigurado akong iyon ang mas mabisang salitang maihahalintulad ko sa sarili ko ngayon.
"Manny?" - nagtatakang tanong ko.
"P-pare, tumawag sa akin si landlord! Sinugod daw sa ospital si Lindy!" - sigaw niya na ikinagulat ko.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved