Lindy's POV
Unang buwan palang ng aking college life pero mukhang nalulula na ako sa dami agad ng activities. Ngayong college ko talaga napapatunayang mahina talaga yung utak ko. Walang duda.
Lahat kami ay obliged sumali sa kahit isa sa mga club dito sa school. Halos karamihan sa mga kaklase ko ay naka-pili na ng pwede nilang salihan kahit hindi pa man nag sisimula ang application, habang ako, ito namomoroblema parin kung ano ba ang dapat kong salihan.
Sure akong sasali si Bonnita sa Theatre club kasi base sa kwento niya ay ito na raw ang sinasalihan niya simula pa noong una palang. Si Jao naman ay paniguradong sa Basketball varsity club sasali since isa rin naman yun sa mga kinahihiligan niya. Si Sofia naman ay sure na sure na sasali sa cheering club at sa dancing club kasi yun raw yung hilig niya. Kung iisipin ay hindi ako magaling sa mga sasalihan nilang tatlo kaya naman mukhang mag-hihiwalay-hiwalay talaga kami nito.
Ang mga list kasi ng clubs na available dito sa university ay ang;
- Theatre club
- dancing club
- cheering club
- basketball varsity club
- volleyball varsity club
- baseball varsity club
- music club; at
- art clubHalos wala naman akong kaalam-alam sa mga nasa listahan, pero sayang rin yung points na makukuha namin pag may sinalihan kami kaya kailangan ko talagang mag-take ng risk.
Dumagdag pa sa problema ko ang by pair activity namin tungkol sa pagpapalawak ng aming intrapersonal communication kung saan kailangan naming i-observe ang aming partner at kailangan i-present sa harapan ang aming observations tungkol sa kanila ng hindi sila tinatanong. Syempre mukhang simple lang yung activity pero WTF! Si Cloud kasi yung partner ko mga brad, ano naman kaya ang i-oobserve ko sa kanya? Eh halos buong hapon nga lang itong naka-busangot at hindi maka-usap. Mabuti nalang at next week pa isasagawa ang presentation kaya may time pa ako para i-observe siya.
“Cloud..” — tawag ko sa kanya ng mapansing papalabas ito ng room, pero tulad ng mga nag daang araw ay parang wala lang itong narinig at nilagpasan lang ako. Kita niyo na? Paano ko naman siya ma-oobserve kung lagi siyang ganyan?
“Uy Lindy!” — tawag sa akin ni Bonnita kaya naman ay napunta sa kanya ang aking atensiyon. Nginitian ko naman siya at binati rin. “Kamusta na yung progress niyo para sa activity natin?” — tanong ni Bonnita.
Mula sa pagkakangiti ay bumusangot ako bigla. “Wala parin eh.” — lugmok kong sagot sabay upo sa aking upuan.
“Naku masama yan, mukhang mahihirapan ka talaga sa partner mo ah. Buti pa ako tapos na. Naku Lindy, umariba kana! Terror pa naman ang teacher natin sa subject na 'to at balita ko marami na itong binagsak na estudyante.” — pahayag ni Bonnita na hindi ko mawari kung nananakot ba.
Napanguso ako habang nakatingin sa kanya. Mukhang itong subject talaga ang sisira sa pangarap ko ah. Bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng pwede mag pares, eh yung mga mag seatmate pa yung napag-desisyunan?
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo habang iniisip ang activity namin. Hindi pwede yung gantong wala akong maisasagot para sa presentation. Kailangan kong puntahan si Cloud para mapaki-usapan siyang makipag-cooperate sa ayaw at sa gusto niya!
Dali-dali akong lumabas sa room para hanapin siya. Napaka-lawak ng school para mahanap siya kaya naman ay laki ang pasasalamat ko ng agad ko itong matagpuan sa ilalim ng puno katabi ng baseball field.
![](https://img.wattpad.com/cover/89364198-288-k648696.jpg)
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved