Jao's POV
Kasalukuyan akong nasa aming garden at hindi mapakali. Dis oras na ng gabi pero hindi parin ako nakaka-tulog dahil sa sinabi ni lawlaw kani-kanina lang.
She just broke up with me, shit!
Wala sa wisyo akong nag lakad papunta sa pintuan ng bahay nila lawlaw at kumatok. Halos wala na akong pakialam kung nagiging malakas na ang ginagawa kong pag katok dahil ang importante lang sa akin ngayon ay maka-usap si lawlaw.
“What's that noise?!” — narinig kong sigaw ni mama. Hindi ko ito pinansin at nag patuloy lang sa pag katok.
“Jao! What are you doing?! Please pumasok kana! Nabubulabog mo ang pag tulog ng tita at tito mo!” — narinig kong sigaw muli ni mama habang naka-dungaw mula sa bintana ng kanilang kwarto.
I just stared at her blankly.. I don't understand my mom anymore..
Ipinag-patuloy ko ang pag katok gamit ang aking buong lakas at pwersa. Alam kong marami na akong nabubulabog pero para bang wala sa tamang wisyo ngayon ang utak ko. I feel so damn stressed!
“Son, please tama na.. ipagpa-bukas mo nalang.” — bigla akong natigilan ng maramdaman ko ang pag hawak ni papa sa balikat ko na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala..
“P-pero papa..” — usal ko..
“Please son.. wag mo nang palalain ang sitwasyon.” — sambit ni papa.
Agad akong yumuko at tinalikuran siya at muling nag lakad pabalik sa garden. Batid ko namang naramdaman niyang kailangan kong mapag-isa kaya hindi na niya ako sinundan.
Halos paikot-ikot ako ng lakad habang sumisiplat sa pwesto ng bagong kwarto ni lawlaw.. wala sa plano ko ang matulog hanggat sa hindi kami nag-uusap.
'Pvtangina, akala ko ba lalaban kaming pareho? Pero bakit ganito?'
Kalahating oras rin ang lumipas bago ko maisipang bumalik muli sa harap ng pinto nila lawlaw, laking pasasalamat ko naman ng makita si tito Andy sa may bintana na dinudungaw pala ako kanina pa..
“Tito..” — usal ko habang papalapit sa pwesto niya.
“Jao, ano pang ginagawa mo dito?” — tanong ni tito.
“T-tito.. tito please kailangan ko pong maka-usap si Lindy..” — pagmamaka-awa ko atsaka mas lalong lumapit sa bintana kung saan siya naka-dungaw.
“Jao, umuwi kana.. tulog na si Lindy.. ala una na rin ng madaling araw oh.” — malumanay na sagot ni tito.
“Please tito.. kahit sandali lang po. Gusto ko lang po siyang maka-usap please..” — muling usal ko.
Bumuntong hininga si tito na animo'y nahihirapan na sa kakatingin sa akin.
“Jao.. sorry.. but I advice you to just listen to your parents.. kung ano man ang meron kayo ni Lindy ay itigil niyo na.” — sambit ni tito.
Parang bigla akong nanlumo dahil sa sinabi niya at marahang napa-atras.
“Pero tito m-mahal ko po ang anak niyo..” — naluluhang usal ko.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
सामान्य साहित्यSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
