Enemy #93

423 43 2
                                    

( Note: Skipping this chapter won't REALLY affect the whole story. So if you want to skip this chapter, then go.

WARNING: CONTAINS MATURED SCENES AND EFFECTS.

Again, JUMPING OFF THIS CHAPTER WON'T AFFECT THE WHOLE STORY.

R-18 , not suitable for young readers🍀)

****

Lindy's POV

‘Sometimes, you needed to lose someone to find the part of yourself that has been slipped away, and to love yourself even more.’

It's been a week. A hellish week to be exact. I don't know what to do with myself anymore. Hindi ko akalaing hahayaan ko ang sarili kong malugmok ng ganito. It seems that I became tired with everything. I lost my strength in fighting with this unfair life.

Kasalukuyan ako ngayong naka-tayo sa harap ng vanity mirror habang tinititigan ang sarili ko. Ngayong gabi ang party ni Sofia at handang-handa na 'ko.

I am wearing a plain white dress na pinaresan ko ng peach doll shoes. Nilugay ko rin ang mahaba kong buhok na umabot na hanggang sa pwetan. Hindi ko maiwasang matawa, para akong multong makiki-dalo sa isang salo-salo.

Nasa ganoon akong estado ng bigla akong makarinig ng pag-katok mula sa pinto ng aming apartment na ngayon ay ako nalang ang lulan. Tinatamad man ay tumayo ako para silipin kung sino ito.

“Hi..” — bati sa akin ng isang babae pagka-bukas ko ng pinto.

Halos parehas kami ng pigura ng babaeng nasa harapan ko. Tulad ko ay hindi rin ito katangkaran at medyo malaman ang katawan.

“Uhm, may kailangan ka?” — tanong ko dahil sa hindi naman siya pamilyar para sa akin.

“A-ah, Lucy nga pala.” — pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay.

“Lindy.”usal ko atsaka inabot ang kamay niya.

“Nice to meet you Lindy.”naka-ngiting usal niya. “Uhm, bago lang ako dito sa apartment na to. Actually mag katabi lang yung rooms natin, kakalipat ko lang kasi two months ago.” — naka-ngiti paring dugtong niya.

“Uhm, okay?” — baton ko dahil hindi ko alam kung bakit ba siya nagkukwento eh hindi naman ako interesado. “Uhm, gustuhin ko mang makipag-usap sayo kaso di pwede, may pupuntahan pa akong party eh. Next time nalang ah?” — usal ko atsaka handa na sanang isirado ang pinto pero pinigilan niya ako.

“W-wait..” — usal niya na ini-harang pa ang kamay niya sa pinto. Ano kasi.. itatanong ko lang sana kung ibinibenta mo ba yung kotse mo dun sa parking lot nitong apartment? Dalawang buwan na kasi ako dito at hindi ko nakikitang may gumagamit nun kaya naisip ko lang na baka ibinebenta mo? Willing kasi akong bilhin kung oo.” — dugtong niya.

“K-kotse?” — medyo utal kong tanong.

Oo, yung pulang ferrari, yung may naka-burda na Mr. and Mrs. Supamacho... Sorry ah, sinilip ko na.” — baton niya.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon