Enemy #37

468 58 2
                                        

Lindy's POV


“Hoy anyare sa mukha mo at parang bigla kang naging walking dead?” — mapang-asar na tanong sakin ni Bonnita. Inirapan ko na lamang siya at itinuloy na ang pag-subo.

Kasalukuyan kaming nasa school cafeteria at napaka-aga pumasok. 10:00 am pa kasi ang start ng klase namin at 8:34 am palang ngayon kaya naman ay napaka-aga talaga nito kung iisipin.

“Bakit ba tayo pumasok ng maaga, Lindy? Mamaya pa naman yung klase natin ah, akala ko naman kung napano kana kaya agad kitang pinuntahan dito sa school, tapos eto lang pala, magyayaya ka lang pala kumain dito sa cafeteria.” — naka-busangot na sambit ni Bonnita habang sumusubo ng spaghetti. Hays, akala ko makakatulong to para maibsan yung nararamdaman ko, eh hindi naman pala.

Tss, sige alis kana, nakakahiya naman sayo.” — lugmok kong sambit sa kanya habang nakapalumbaba. Marahan naman ako nitong pinalo sa balikat.

“Ito naman di na mabiro. Ano ba kasi yun? May problema ba?” — tanong niya habang naka-ngiti.

Napa-simangot naman ako ng maalala yung mga nangyari kagabi. Ano ba yan! Bakit ba naman kasi ang tanga-tanga ko para isiping ako yung gusto niya, eh napaka-labo namang mangyari yun. Nakakahiya tuloy, bigla ko pa siyang niyakap sa pag-aakalang ako yung tinutukoy niya.

“Kasi diba..” — hindi na natapos ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Bonnita. Mabilis naman akong napa-busangot dahil 'ron.

Uy Lindy, andun si Cloud oh, bumibili sa counter.” — bulong nito habang nginunguso ang direksiyon ni Cloud. Nilingon ko naman ito at nakitang bumibili nga. Eh ano naman? Ano nga ulit sasabihin mo?” — tanong ni Bonnita sabay tuon na ulit ng atensiyon sa akin.

“So ayun nga, kasi diba--” — hindi nanaman natapos ang sasabihin ko ng bigla nanaman itong magsalita.

“Oh my God, ayan na si Cloud naghahanap ng mauupuan, wag mong tatawagin ha.” — nag-aalalang sambit niya habang naka-tingin kay Cloud.

Psh! bigla kong nilingon si Cloud at kinawayan ito.

“Cloud! Tara dito.” — tawag ko sa kanya kaya nama'y napalingon ito bigla sa gawi namin. Tulad ng nakasanayang ekspresyon nito, seryoso itong tumitig sa amin.

Ano kaba Lindy, bakit mo naman tinawa--” — hindi na natapos ang sasabihin ni Bonnita ng makarating na si Cloud sa aming pwesto. Tulad ng dati ay naka-long sleeves ito na tila ba hindi alintana ang init ng panahon.

“Tara dito ka nalang upo.” — sambit ko kay Cloud sabay turo sa upuan na katabi ko. Halata namang nagulat si Bonnita pero hindi ko nalang ito pinansin. Hindi naman nagawang sumagot ni Cloud at bigla nang umupo sa tabi ko at sinimulan nang kumain.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon