Enemy #77

353 52 0
                                    

Jao's POV


Naging tahimik kaming dalawa ni lawlaw habang nag-babyahe.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang nagawa nilang ipag-kasundo ako ng ganon-ganon lang kay Sofia.. I don't know Sofia anymore.. nag iba na siya..Why on earth did she asked her mom to marry me?! I'm not a fvcking toy for God's sake! And now they are hitting our parents in their weakest point, and that is the company.

Bigla akong napalingon kay lawlaw na kasalukuyan ay tahimik at naka-tanaw lang sa labas ng kotse. Alam kong nagulat siya dahil sa nangyari kanina kaya naman ay mas pinili ko nalang na hayaan muna siyang manahimik.

I drove for almost an hour using my minimum speed.. sinadya ko talagang bagalan ang patakbo ng sasakyan just to loosen up. We badly need it.

Pagka-rating namin sa ice cream shop ay kapansin-pansin parin ang pananahimik ni lawlaw hanggang sa maka-pasok na kami sa loob.

Nakita ko siyang umupo sa couch na nasa gilid atsaka yumuko habang kinukutkot ang sariling darili.

Agad akong lumapit sa kanya at tinabihan siya, and it seems that she's on her deepest way of thinking dahil halos hindi niya napansing naka-lapit na pala ako sa kanya.

“Lawlaw, are you okay?” — I asked.

Bigla siyang lumingon sa akin at binigyan ako ng isang pekeng ngiti.

“Oo naman..” — pagsisinungaling niya. I know she's not okay. “Medyo hindi lang ako makapaniwalang aabot sa ganoong punto si Sofia dahil lang sa pagkaka-gusto niya sayo.” — dugtong niya.

Instead of answering, I immediately move my face above her head and gave her a fast kiss on her forehead.

“Me too, but let's not mind it anyway.” — baton ko.

Hindi siya sumagot at muli lang na yumuko.. at this point, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para lang pagaanin ang loob niya. I don't know what's running in her mind.. Apektado rin ako dahil sa mga rebelasyong aking nalaman kanina. Masyadong nakakapang-hina para agad maka-recover sa usaping iyon, but I'm trying my best to show her that everything's will be okay.

'Sinisikap kong ipakita sa kanya na hindi niya pagsisisihang pinili niya ako.. sinisikap kong ipadama na hindi niya pagsisisihang sumama siya sa plano ko.. kahit na ang totoo ay natatakot rin ako para karerang pinasok naming pareho.'

Hindi siya sumagot sa sinabi ko at nanatili lang na naka-tulala. I let go a deep sigh before facing her with full of courage.

“Wala ka namang dapat ipag-alala eh.” — usal ko atsaka mabilis na hinawakan ang kamay niya. “Ipaglalaban naman kita.. malakas tayo diba? Lalaban tayong pareho kahit na ano pa man ang mangyari.” — dugtong ko.

Tumingin siya sa akin gamit ang matamlay niyang mga mata. It seems that she is doubting my words..

“Eh pano kung totohanin nila?” — tanong niya.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon