Enemy #49

491 61 3
                                    

Lindy's POV


Medyo late na ako naka-pasok dahil halos hindi ako maka-tulog kagabi sa kakaisip, mabuti na lamang at kakatapos lang ng finals namin para sa first sem dahilan para hindi pa mag simula ang mga profs sa mga panibagong lessons.

Habang naglalakad patungo sa aming room ay nase-sense ko na parang kanina pa may nag mamatyag sa akin sa paligid kaya naman ilang beses akong napalingon sa likod para tingnan kung totoo ba ang aking hinuha, at nang makitang wala naman ay nag kibit-balikat na lamang ako at nag patuloy na lamang sa paglalakad. Pero ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ay parang may nararamdaman talaga akong kakaiba mula sa aking likuran kaya muli ay tumalikod ako at luminga-linga.

"May hinahanap kaba?" - halos magulat ako ng biglang may mag salita mula sa dinadaanan ko kanina.

"E-ethan.." - usal ko na halatang hindi parin makapaniwala na nasa harapan ko na siya bigla.

"Kanina kapa palinga-linga sa likuran mo ah, ano bang meron." - tanong niya habang sinisilip rin kung ano yung tinitingnan ko sa likuran.

"A-ah wala.." - baton ko at tumitig sa kanya.

Hindi parin talaga ako komportable kapag nakakasalubong ko siya. Wala namang kahina-hinalang kahit ano base sa itsura niya pero pakiramdam ko ay mayroong kakaiba sa kanya na hindi ko maintindihan.

"A-ano nga p-palang ginagawa mo dito?" - tanong ko ng mapansing naka-tingin parin ito sa tinitingnan ko kanina.

"Oh, naglalakad lang ako papapunta sa room namin, tapos nakita kita." - naka-ngiti niyang baton habang naka-titig sa akin, medyo nailang naman ako at ngumiti nalang rin ng pilit.

"A-ah.. ano.. kailangan ko na kasing umalis eh." - usal ko sa kanya atsaka hahakbang na sana palayo pero agad ring natigil ng mag salita siya.

"Nagmamadali ka ata." - usal niya dahilan para lingunin ko muli siya. Hindi naman ako sumagot at tumitig lang sa kanya. "Do you feel uncomfortable with me?" - naka-ngiting tanong niya atsaka nag lakad palapit sa akin kaya naman bigla akong napa-atras dahil rito.

"Ha? of course not. Nagmamadali lang kasi ako dahil medyo late na ako dumating." - pagdadahilan ko sa kanya. Tumango-tango naman ito na mukhang naniwala sa sinabi ko.

"Okay.. as you say so. Good bye Lindy, see you around." - baton niya atsaka tuluyan nang tumalikod at umalis.

'See you around? Wtf nooo!'

Medyo weird sa feeling yung ang lawak-lawak masyado ng school pero laging nagkaka-tagpo yung landas namin. Yeah he's cute, pero di ko siya feel. Arrgh.

Nagmadali nalang akong nag lakad papunta sa aming classroom, at pagka-pasok ko ay nakita ko ang aking mga kaklaseng lalaki na parang naghaharutan maliban lang kay Cloud.

"O sige mag parte parte dapat tayo ng miyembro!" - sigaw ng kaklase kong si Johnny.

"Mag toss coin nalang tayo para fair!" - ani nung isa kong kaklase na si Dave.

Nakita ko naman si Bonnita na patawa-tawa habang naka-tingin sa kanila kaya nilapitan ko siya.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon