(Check the photo in the media for the ultrasound.)
Cloud's POV ☁️
‘Sometimes, fate leads us to some situation that we never dreamed of.. no matter how we wanted to runaway, we need to accept the fact that there's no more undo, no more delete, and no more skip. All the choice we have is to go with the flow from the waves of life.’
7 MONTHS... It's been 7 months since the last time we've seen Lindy. November siya nawala at ngayon, malapit nanaman mag pasukan para sana sa 3rd year namin sa kolehiyo... We are all up for our Junior year, habang siya ay patuloy paring hindi makita.
After the time that tita Lydia told us to stop finding Lindy, inihinto na rin namin ang pag banggit sa pangalan niya lalo na't alam naming hindi ito nakaka-tulong para kay tita Lydia.. It seems that whenever she hears Lindy's name, biglang bumabagsak ang katawan niya.
Ilang buwan na ang nakakalipas at mas naging close si honey sa pamilya ng mga Valleña at Supamacho, isang bagay na hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba. Halos pag may oras si honey ay lagi itong bumibisita sa bahay ng mga Valleña kung saan lagi niya akong sinasama dahilan para hindi ko maiwasang makita sina Jao at Sofia na napapadalas na rin ang pag bisita sa kanila. Pitong buwan na, sila parin.. nice.
“Honey!”
Mula sa pagkaka-higa ay napa-igtad ako sa pag tayo ng marinig ko ang malakas na pag sigaw na iyon ni honey.
“Mom naman!” — sighal ko dahil sa gulat. Kagigising ko lang kasi at napaka-aga pa.
“Bilisan mo na diyan! Tumayo kana!” — naka-ngiting usal ni honey dahilan para mapa-busangot ako.
“Ayoko hon..” — reklamo ko atsaka nag talukbong ng unan sa mukha.
Alam ko nanaman ang mangyayari pag pumayag ako.. lagi nalang, paulit-ulit.
“Ehh! Sige na kasi! Pupunta lang naman tayo kina Lydia..” — parang batang usal niya atsaka niyugyog ako.
Napa-pikit ako ng mariin.
“Eh kakapunta lang natin dun kahapon eh, ayoko.. ikaw nalang.” — ungot ko.
‘Tsk, wala namang isyu sakin kung pumunta kami kina tita Lydia eh, sadyang ayaw ko lang talagang makita si Jao lalo na ang mga lampungan nila ni Sofia.’
“Pupunta lang naman tayo dun saglit pero aalis rin.. aattend kami ng baby shower ng isang business partner namin kaya hindi rin talaga sa bahay nila ang destination natin hehe.” — malambing na paliwanag nito.
“Psh! Ano ba kasi yan mom! Psychiatrist ka diba? Ba't di ka nalang mag focus dun? Ba't kasi may pa-business business kapa?” — inis na ungot ko.
Hindi siya sumagot kaya panandaliang tumahimik ang paligid. Lilingon na sana ako pero bigla akong nagulat ng bigla niya akong hampasin ng malakas sa likod gamit ang kanyang palad!
“Aray!” — daing ko at napapa-upong hinawakan ang likod kong hinampas niya.
“Tumayo kana kasi diyan! Puro ka reklamo!” — sigaw niya atsaka mabilis na lumabas ng kwarto ko.
Napa-iling nalang ako at napa-buntong hininga.. at this moment, I knew my mom won again.
Tulad ng sinabi niya ay nag-ayos ako, at tulad ng lagi kong pormahan, nagsuot ako ng long sleeves at black pants.
![](https://img.wattpad.com/cover/89364198-288-k648696.jpg)
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved