Lindy's POV
Alas-nuebe na ng gabi at kaming dalawala ni Jao ay kasalukuyang nasa same bench ng park kung saan kami tumambay dati. Walang nagsasalita. Bukod sa ingay ng mga sasakyan at kokonting mga tao napakatahimik ng aming atmospera. Nagawa na niyang ikwento lahat ng rason kung bakit siya pinarusahan ni principal. Hindi ko naman maiwasan ang matahimik dahil 'ron.
Napatingin nalang ako sa kanya at nag-buntong hininga. I can feel the guilt invading inside me. I can't believe that this person who always mock me will do such things for me.
Nakatingin siya ng kasalukuyan sa langit kaya naman ay napako ang paningin ko sa kanya. Ang perpekto niyang tingnan. Yung matangos niyang ilong, yung mapungay at itim niyang mga mata, yung manipis niyang labi, yung makapal niyang kilay, at yung medyo may kahabaan niyang buhok na nagpadagdag ng appeal niya, lahat ng iyon ay perpekto tingnan.
“Matutunaw ako.” — bulong niya habang naka-tingin parin sa langit. Napa-iwas naman ako ng tingin at tumingin rin sa dereksyon na tinitingnan niya.
‘Akalain mo yun, bestfriends kami dati.. Narealize ko na masyado akong naging marahas sa kanya, masyado kong pina-iral yung pride ko.’
“Sorry” — bulong ko pero sapat na para marinig niya.
“Para saan?” — takang tanong niya naman.
“Para sa lahat.. Sorry..” — Sagot ko. Walang halong hiya ang pag-sorry ko, I think we need this, kasi di naman dapat na lagi nalang kaming mag aaway. Kahit napatawad na namin ang isa't-isa noong nakaraang mga araw ay mas mabuti parin na mapag-usapan ang mga ganitong bagay. “Bestfriends parin naman tayo diba?” — pahabol kong tanong sa kanya.
“Ang weird mo ha, bakit ang bait mo? Nakakapanibago.” — naka-kamot ulo nyang sambit habang naka-tingin sa akin. “Awayin mo na lang kaya ulit ako.” — dugtong nito.
Tinitigan ko lang siya gamit ang aking blankong mukha at gayon din naman ang ginawa niya. Makalipas ang ilang segundong pagtititigan ay bigla kaming humagalpak ng tawa. Inakbayan niya ako bigla.. Walang mga salita, sapat na yun para maiparating ang sincerity sa bawat isa.
“Pero teka, bilang mag bestfriends na tayo ULIT, dapat may rules tayo para ma-preserve natin 'tong friendship natin.” — Sambit niya habang idinidiin ang salitang ULIT.
“Heh! Ang immature naman niyan.” — wika ko, natatawa.
“We used to do this right? Ikaw pa nga ang may pasimuno ng mga batas-batas na yan noon eh.” — baton niya atsaka ginulo ang buhok ko. "Simple lang naman to eh, dapat kahit gaano tayo mag-away ay pag usapan parin natin ang mga bagay ng seryoso. At dapat rin nasa tabi tayo ng isa't-isa sa oras ng pangangailangan.” — dugtong pa nito.
Napangiti ako sa mga sinabi nya dahil kita ko na seryoso siya sa mga salitang lumabas sa bibig niya kahit napaka-childish kung iisipin.
Kahit noong mga bata pa man kami ay lagi na kaming nagpapataw ng mga batas para sa isa't-isa. Pagdating man yan sa mga maliliit o malalaking bagay, lahat ng 'yon ay may batas na nakaakibat.
At tulad nga ng pangako namin sa isa't-isa nakikita kong lagi siyang andyan para sa akin, though hindi talaga mawawala sa amin yung laging pag aaway pero kita 'kong hindi na kasing brutal tulad ng dati. Sabay narin kaming pumapasok at umuuwi, yung mga iba ngang tao sa school, kilala man namin o hindi, at pati yung mga teacher at si principal ay nagtaka dahil sa biglaang pagbabago namin.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
