Lindy's POV
Napa-salampa ako sa aking lamesa ng matapos ang aming subject sa aming striktang professor. Halos hindi ko na pala namalayan ang pag takbo ng mga araw dahil pawang naging abala ang lahat sa mga sunod-sunod na activities at projects na ibinigay para sa aming mga estudyante ng business management course.
Isang buwan na rin pala ang nakakalipas matapos ang kaarawan nina Jao at Cloud at masasabi kong kahit naging busy ay medyo naging maayos ang pagdaan ng mga araw lalo na't hindi na muling nangyari ang mga pag-aaway naming dalawa ni Sofia.
“Tara sa ice cream shop? Andoon sina Rey.” — pang-aaya ni Cloud habang humihikab. Agad naman akong pumayag dahil halos hindi ko na pala nakaka-usap sina kuya Rey, Henry, at Manny dahil sa sobrang ka-busyhan.
Pagkarating namin sa ice cream shop ay halos magulat ako ng makitang pawang mga pagod ang itsura ng mga gin kapitan kasama na si Cloud.
Halos lahat kami ay naka-higa sa iba't-ibang lamesa habang nag nag uusap-usap. Nananalaytay sa amin ang katamaran ngayong araw kaya naman ay hindi na ako nagtaka kung bakit sa kalagitnaan ng aming pag uusap ay wala nang sumasagot dahil ang lahat ay pawang naka-tulog na pala. Hindi na ako nagtaka lalo na't medyo hassle nga naman itong mga nakaraang linggo ng aming pag-aaral.
Naalipungatan ako at nagulat ng makitang dalawang oras pala akong nakatulog dito sa itaas ng mesa. Nang makita ko sina Cloud, Manny, Henry, at kuya Rey ay mga tulog pa ito at bakas parin sa mukha ang pagod, kaya naman ng maisipan kong umuwi ay hindi ko nalang sila ginising para naman hindi na sila maabala. Nag iwan nalang ako ng message sa kanilang cellphone para naman hindi na sila magtaka kung bakit wala na ako sa kanilang paggising.
3:30 pm palang at medyo maaga pa kung tutuusin pero naka-plano na sa utak ko ang muling matulog pagka-rating sa aming bahay. Pagka-uwi ay alam kong wala pa sina mama at papa na marahil ay nasa opisina pa kaya naman ay hindi ko na nagawang i-check sila sa kanilang kwarto.
Pagka-akyat ay hindi pa man ako nakakapasok sa aking kwarto ay nakarinig na ako agad ng boses ng nagha-humming mula sa loob kaya naman pagka-pasok ko ay nagulat ako ng makita si halimaw na nakahiga sa aking kama at bihis na bihis.
“Anong ginagawa mo dito?” — tanong ko sa kanya, mukha namang nagulat ito at agad napa-upo.
“Nakauwi kana pala..” — panimula niya atsaka tuluyan ng tumayo. “Tara gala tayo..” — dugtong pa niya. Bigla naman akong napatitig sa kanya at binigyan siya ng tingin na parang nagtatanong.
“Bakit ako?” — wala sa wisyong tanong ko.
Medyo weird lang kasi.. Eh bakit hindi si Sofia yung inaya niya?
“Anong, bakit ikaw?” —nagtatakang tanong niya.
“U-uhm, I mean.. bakit ako yung inaya mo? Bakit di nalang siya..?” — pahina ng pahina kong baton atsaka tumingin ng deritso sa kanya. Nakita ko naman ang pag kunot ng noo niya.
“Si Sofia? Tss.”— panimula niya habang umiling-iling. “Ano ba namang tanong yan? Eh siyempre ikaw yung gusto kong makasama kaya inaya kita.” — medyo naiinis niyang dugtong.
![](https://img.wattpad.com/cover/89364198-288-k648696.jpg)
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
Ficção GeralSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved