Enemy #32

460 57 0
                                        

Lindy's POV

Kasalukuyan akong naka-sakay sa likurang bahagi ng kotse ni doktora. Si doktora ang nag da-drive habang si Cloud naman ang nasa passenger seat. Tahimik lang akong naka-tingin sa bintana ng kotse habang nakikinig sa usapan nila.

Tinanong ni doktora si Cloud kung anong nangyari sa buong araw niya at masaya niya naman itong sinasagot. Halos parang ibang tao ang Cloud na nakikita ko ngayon. Naka-ngiti ito at tumatawa-tawa pa. Halos isang linggo na kaming magka-seatmate pero hindi ko pa ito nakitang ngumiti man lang. Siguro nga ay ganito talaga siya pag kaharap si doktora. Hays, pag-ibig nga naman. Well, kung happy naman sila para sa isa't-isa, sino ba naman ako para i-judge ang pag-iibigan nila diba? Tutal, ika nga nila, pag-dating sa pag-ibig, age doesn't matter.

“You guys know each other?” — tanong ni doktora. Nakita ko siyang nakatitig sa akin sa rearview mirror so I assume that the question was for me.

Ah, opo. Magka-klase po kami at magka-seatmate.” — baton ko habang nakatitig rin sa rearview mirror kung saan natatanaw ko ang mga mata niya. Nakita ko naman ang pag-intsik ng mata nito habang naka-tingin parin sa akin. Wait, nag seselos ba siya?Pero hanggang doon lang po yun, hindi naman po kami nag-uusap kahit seatmates kami.” — dugtong na paliwanag ko. Bahagya pa akong kinabahan sa katotohanang baka nagseselos nga ito at ibaba nalang ako bigla sa gitna ng kalsada.

Marahan lang na tumawa si doktora at itinuon na ulit ang atensiyon sa daan. Si Cloud naman ay kasalukuyang naka-tingin rin sa harapan kaya naman ay hindi ko maaninag ang ekspresyon nito.

You know what, you guys should talk to each other. Tutal ay magiging mag classmates kayo for the next four years... yun ay kung mag-aayos kana honey!” — ngiting sambit ni doktora sabay tuon ng atensiyon kay Cloud. Tumingin naman ito sa kanya at ngumiti.

Oo naman hon, I will never fail you again.” — ngiting baton ni Cloud sabay halik sa pisnge ni doktora. Napa-pikit naman ako dahil sa senaryong aking nakita.

So, as I was saying, dapat mag-usap kayo more often. Mahirap kaya magkaroon ng seatmate tapos di mo naman nakaka-usap, naku baka lumutin kayo niyan habang nagkaklase.” — natatawang sambit ni doktora habang patuloy parin sa pag-dadrive. “And by the way Ms. Valleña, banatayan mo si honey ko ha? Mag sumbong ka agad sa akin pag meron siyang ginawang katarantaduhan ulit sa school, o pag nag-skip nanaman ng klase.” — pahayag nito sabay lingon sa akin ng mapa-hinto kami sa gitna ng traffic. Aba'y ba't ako?Here is my calling card, pwede mo ako tawagan diyan kung sakaling magkaroon ng problems.” — dugtong nito sabay abot sa akin ng kanyang calling card, wala naman akong nagawa kundi ang tanggapin iyon.

Okay po, makaka-asa po kayo.” — ngiting baton ko kay doktora. Bigla namang lumingon si Cloud sa akin at sinamaan ako ng tingin.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon