Lindy's POV
*7:15 pm
Mag-isa ako ngayong nasa park kung saan kami laging tumatambay ni Jao, tinawagan ko kasi si Bonnita para pumunta dahil napag-alaman kong malapit lang pala yung bahay nila sa village namin.
"Lindy!" - tawag niya kaya naman ay nilingon ko siya bigla. Ngumiti ako at binati siya saka pinaupo sa tabi ko. "Ang ganda pala dito no? Dapat mas dalasan na natin yung pag punta dito hehe." - sambit niya habang inilalabas sa kanyang bag ang mga dala niyang chips. Nginitian ko nalang siya bilang baton.
Nagkuwentuhan kaming dalawa at nagka-mustahan sa sinalihan naming mga club, at ang loka, parang na-schock pa nung matanggap siya sa theatre club, eh siya na nga rin mismo yung nag sabi na ito na yung sinasalihan niya noon pa man. Psh.
"Parang mag-close na kayo ni Cloud ah." - ani nito habang naka-titig sa akin. Tumingin naman ako sa kanya habang nagtataka kung paano napasok si Cloud sa usapan naming dalawa.
"Ha? Siguro. Ewan." - medyo confused na sagot ko kasi hindi naman talaga ako sigurado kung magkaibigan naba kami ni Cloud, ang hirap nang mag claim no.
"Hindi kaba natatakot sa kanya?" - tanong nito kaya naman napataas ang kilay ko bigla.
"Ha? Bakit naman ako matatakot sa kanya?" - nalilitong tanong ko pabalik. Umiling-iling naman ito sa akin na parang hindi makapaniwala. "Dapat ba akong matakot kasi Chainsmoker siya at trashtalker? Lahat naman ng tao may bisyo eh, well mas malala nga lang yung kanya." - dugtong ko pa.
"Hindi lang naman tungkol dun yung reason eh. Alam mo bang halos lahat ata ng estudyante sa school natin ay takot sa kanya?" - tanong nito habang kumakain ng chips. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya na para bang nagtatanong kung bakit. "Alam mo bang nung senior highschool palang yan halos wala yang sinasanto, kung pagsisigawan niya at pagmumurahin yung mga teachers akala mo ka-level niya, grabe! Pagkatapos one time meron nga yang babaeng naka-away tas nagulat kaming lahat ng bigla niya itong sapakin sa harap naming lahat. Talagang wala siyang sinasanto kahit isa." - mahabang sambit niya saka uminom ng tubig. Bigla namang napa-kunot ang noo ko dahil rito. Hindi ko akalaing ganito pala si Cloud. "Tas alam mo yung pinaka-worst? May binugbog yang 20 kataong estudyante sa loob ng auditorium at lahat sila dinala sa ospital, tapos may apat pang naging kritikal. Grabe talaga siya. Kaya naman sa edad na 18 years old dati ay nakulong na yan. Kaya pabalik-palik rin yan sa grade 12 eh, lapitin sa gulo. Matapos yung insedenteng yun ay pinatapon siya ng lolo niya sa ibang bansa para mag-aral. Alam mo bang noong maka-alis siya ay parang naging mapayapa na yung school natin? Sana nga di na yan bumalik eh." - dugtong pa niya.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
