Enemy #09

658 76 1
                                        

Jao's POV


Sa sobrang pikon ko kay lawlaw ay hinabol ko siya, pero talaga atang pinag-lihi siya sa cheetah sa sobrang bilis tumakbo kaya napag-desisyunan kong itigil na ang paghahabol sa kanya. Kagagaling ko lang sa sprain kaya I need to take care of my ankle pa.

Hinayaan ko nalang kung saang lupalop man siya magpunta at nagpahinga muna sa isang bench sa garden, tutal ay quarter to 4 palang naman, may oras pa ako para makapag-pahinga.

The fresh air sent my spirit to heaven, and there, I found myself closing my eyes to take a nap.



Jao!”

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ng makarinig ng pagsigaw mula sa kung saan. I was all alone in the garden at bukod sa mga huni ng ibon ay wala nang iba pang maririnig.

I sighed with the thought that maybe I was just dreaming. Bahagya pa akong nanginig dahil sa malakas na pag ihip ng hangin na agad ring hinaluan ng biglaang kaba.

Sinilip ko ang aking relos at nakitang 5:34 pm na. Isang oras rin pala akong nakatulog.

I roam my head to look for Lindy pero agad akong pinangunutan ng noo ng makitang wala siya. Iniwan niya ba ako? Tsk!

Carrying the thought that Lindy might already left me, I immediately go the principal's office to sign for my logout sheet.

Hindi pa man ako nakaka-pasok ng buo sa office ni principal ay tumingin na agad ito ng masama sa akin. Bahagya naman akong napa-atras at nag taas ng parehong kamay.

Oh, easy lang boss, tapos na po namin linisin yung garden.” — ngiting pahayag ko kay sir para naman maibsan ang inis na halatang kasalukuyan niyang nararamdaman.

Good, so where's Ms. Valleña?” — tanong niya habang sinisilip ang pinto kung may kasama ba ako.

Napa-kunot ako ng noo ng mapag-tantong hindi pa dumadaan dito si lawlaw. Dapat kasi bago umuwi ay mag report muna kami kay principal at mag-sign sa logout sheet. So, asan na siya?

Hindi po ba dumaan dito?” — tanong ko, nagtataka.

Nope. Bakit tumakas ba?” — taas kilay niyang tanong na para bang sinusuri ang bawat salitang sasabihin ko.

“Wala sir, sige alis na ako.” — sagot ko sa kanya, hindi pa man siya nakaka-baton ay agad na akong lumabas sa office niya para maiwasang ang iba pang tanong na maaari niyang ibato sa akin.


Pasinghal kong kinuha ang aking cellphone at tumawag sa telepono ng bahay nila lawlaw. Ilang ring naman ang nag daan ay sinagot na ito agad.

Hello tita?” — panimula ko.

Hello? Wala po dito sila ma'am at ser, may biglaang business trip daw po.” —  sagot ng tinig sa likod ng telepono.

Si ate Clara iyon kung hindi ako nagkakamali. Siya ang katiwala sa bahay nila lawlaw  pag nasa out of town sila, pero umaalis rin naman ito pag dumadating na sila tita.

Uhm, ate Clara andiyan na po ba si lawla-- este si Lindy? O sumama po ba siya kela tita at tito sa business trip?” — tanong ko.

Ay wala pa po si ma'am lindy, hindi rin po siya kasama sa trip ni maam at ser.” — sagot naman nito sa akin gamit ang kakaibang tono ng tagalog.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon