(Please play the music in the media as you read this chapter..
Title: All about us
By: He is we ft. Owl City)
-
Lindy's POV
'Every beat that your heart makes for a person is a powerful thing that can probably makes your brain stops for a second.'
“Jao, saan tayo pupunta?” — tanong ko kay halimaw habang lumilingon-lingon sa paligid.
Kasalukuyan kami ngayong nasa kotse niya at binabaybay ang daan papunta raw umano sa date destination namin.
Ngayong araw ang first official date namin bilang magkasintahan at parang sasabog na ang puso ko sa sobrang kilig.
Halos kanina ay hindi na ako mag mayaw sa kung ano ba ang susuotin ko para lang magpa-ganda.
“Babalikan natin ang lugar kung saan tayo nag simula.” — naka-ngiting baton niya dahilan para kumunot ang noo ko.
'lugar kung saan kami nag simula? saan?'
“Eh diba sa bahay tayo nag simula kasi mag kasama na tayo simula pagka-bata?” — tanong ko.
Bigla naman siyang ngumiti atsaka ginulo ang buhok ko at hindi na nag abalang sumagot.
Nag kibit balikat na lamang ako at inintay kaming makarating sa aming destinasyon.
Halos ilang minuto rin ang inintay ko bago kami makarating sa lugar.
Kunot noo akong nagpa-linga'linga na para bang hindi maka-paniwala kung nasaan kami.
“Anong ginagawa natin dito?” — tanong ko kay Jao habang sige parin sa pag linga.
Dito kami pumunta sa dating school namin kung saan kami nag-aral simula kinder hanggang sa maka-graduate ng senior highschool.
“Basta..” — baton niya atsaka dali-daling lumabas sa kotse niya at pinag buksan ako ng pinto.
Di tulad sa bagong school namin ay may pasok na ang school na to, pero dahil sabado ay halos walang tao ang makikita maliban sa guard.
“Baka sawayin tayo nung guard.” — bulong ko kay halimaw.
“Hindi yan, don't worry.” — baton niya atsaka kinawayan si guard mula sa malayo. Kumaway rin naman si guard pabalik sa kanya atsaka tumango.
Hindi nalang ako nag react at sinundan nalang siya habang nag lalakad papasok sa school.
'psh, first date tapos ito?'
Halos hindi ko parin maintindihan hanggang ngayon kung bakit ba kami andito sa lugar na to. Tsk, eh balak niya atang mag parada sa bawat sulok ng school eh!
“Jao, ano ba kasing--” — halos hindi na natapos ang sasabihin ko dahil agad na siyang nag salita.
“Oh, naaalala mo ba tong lugar na to?” — tanong niya sabay turo sa public CR ng school.
Napa-tingin muna ako ng ilang segundo sa CR bago tumingin kay Jao.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
