Lindy's POV
“Lindy buksan mo nga tong pinto, ano ba!”
Halos mapa-pikit ako ng mariin ng marinig ang mga malalakas na pagkatok ni Jao mula sa labas ng aking kwarto.
Mga 10:30 am na ako nagising kanina at laking gulat ko ng makitang magkayakap kaming dalawa ni Jao. It was such a horrible scene to see kaya naman hindi na ako nag atubiling pumunta sa aking sariling kwarto para mag kulong.
“What the fvck!” — sigaw ko sa ilalim ng unan ng maalala lahat ng detalyeng nangyari kagabi.
‘For fvcking's sake! Paano ko nagawa iyon?!’ I clearly remember what happened last night and I know that I was the one who initiated that hug! Nakakahiya. I don't know why the heck did I do that, hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwaka.
Sinampal ko ng malakas ang mukha ko at napa-daing ng makaramdam ng sakit dahil 'ron.
The shyness I'm currently feeling is in its highest extent. Pakiramdam ko ay nasira ang reputasyon ng aming buong angkan dahil 'ron.
“Lawlaw, buksan mo nga 'tong pinto! Andyan kaba?”
Muli ay narinig ko ang boses ni Jao. He is currently outside the door while knocking. Hindi ko nagagawang batunan ang mga pag tawag niya dahil sa kahihiyan. A feeling of awkwardness is slowly invading in my chest so I think it will be better if we don't see each other today.
Ilang mga padarag na pagkatok pa ang ginawa niya bago siya tuluyang tumigil. Napahinga naman ako ng malalim dahil 'ron. Ang lahat ng bintana at kurtina sa aking silid ay naka-sarado dahilan para lamunin ng matinding kadiliman ang bawat espasyo nito. I also made sure that the door from my balcony is locked, doon kasi ay madaling nakakapag-trespass si Jao papasok sa kwarto ko. The spaces of our balconies was just inches away. Kaya pag lalabas ka 'ron ay ang view agad ng kwarto niya ang makikita mo.
“Pukingina naman kasi!” — malakas kong usal, nagmumukmok.
“Lindy, sumisigaw kaba? Buksan mo nga tong pinto!”
Halos magulantang ako ng mapag-tantong nasa labas pa pala siya. Mababakas na sa kanya ang inis dahil sa kanina pang pagkatok, pero imbes na pansinin yun ay nag talukbong nalang ako sa aking kumot at napa-busangot.
“Isa nalang wawasakin ko na talaga to.” — madiing sambit niya. As if you can. Tss.
Hindi ako nag-ingay at ganoon rin naman siya. Maya-maya pa'y nakarinig ako ng ingay mula sa door knob ng aking kwarto na halatang sinusubukan iyong buksan.
My eyes widened with what he's currently doing. Bigla akong naalerto at hindi alam kung ano ang gagawin ko. Bigla akong nabalisa at hindi na alam kung saan pa tutungo.
I feel like the tension I'm currently feeling caused me to hysterical. And there, bigla akong nahulog sa gilid ng kama kasabay ng pag bukas ng pinto. Sa sobrang gulat ay gumapang ako sa ilalim ng kama at doon nag-tago.
“Lindy, Andyan kaba?” — tanong niya sabay bukas ng mga ilaw sa buong kwarto pati narin ng mga bintana dahilan para pumasok ang liwanag sa buong silid.
I became totally motionless especially when he started roaming around my room. Rinig na rinig ko ang mga yakap niyang tumatama sa tiles ng aking kwarto.
He's like an NBI checking every corners of my room, at ng hindi ako makita ay halos magulat ako ng maramdamang humiga siya sa aking kama. Wtf? Is he planning to sleep here?
Sobra-sobra ang pagkakakunot ng aking noo habang iniisip ang ginagawa niya sa ibabaw. Ngunit naputol ang pag-iisip na iyon ng makita ang kanyang ulo na nakatanaw sa akin pabaliktad.
“Ahh!” — napatili ako dahil sa gulat.
“Lindy, ano 'to taguan?” — nagtatakang tanong niya pero imbes na sumagot ay napapatili lang akong sumiksik pa sa dulo nito.
Mas lumakas ang pagsigaw ko ng maramdamang hinahatak niya ang mga paa ko palabas. I even tried to escape but I failed.
“N-no! Stop! A-ayoko!” — pagpipigil ko sa kanya pero huli na ang lahat, tuluyan na akong nahatak mula sa ilalim ng kama.
“Hoy, ano bang nangyayari sayo?” — kunot-noo niyang tanong habang hinahawakan ang braso ko.
Bumalikwas ako mula sa pagkaka-hawak niya at padabog na umupo sa aking kama.
“Utang na loob lumabas ka!” — sigaw ko, nambabanta.
“Bakit? Ano bang ginawa ko at bigla kang nagka-ganyan?” — tanong niya na ngayon ay hindi parin alam ang nangyayari.
I sighed when I saw how confusions was drawn on his face. Napapahawak pa siya sa batok niya habang nakatingin sa akin.
Tiningnan ko lang siya ng masama atsaka hinila papalabas ng aking kwarto at ni-lock ito. I sighed again as I succeeded. Wala naman siyang nagawa kundi ang magtipa-anod sa gusto ko.
“Alam mo minsan di rin kita maintindihan eh. Bigla-bigla ka nalang nagiging ganyan.” — narinig kong usal niya sa labas ng pinto.
Hindi ako sumagot. Namuo ang katahimikan sa aming dalawa habang ramdam ko naman ang pag-akyat ng guilt sa aking sistema.
“Kagabi, okay naman tayo ah?” — sambit niya pero nanatili lang akong tahimik. ”Niyayakap-yakap mo pa nga ako kagabi eh.” — dugtong pa niya. Napahilamos naman ako sa mukha ko ng marinig iyon.
“Please Jao, umuwi ka nalang, wala ako sa mood ngayon para makipag-usap.” — pikit-mata kong sambit, umaasang susunod siya.
“Ano ba kasing kasalanan ko? Sabihin mo naman para hindi ako nanghuhula ng ganto. Ang hirap eh, kasi kagabi okay naman tayo.”
Iyon ang huli niyang sinabi bago tuluyang umalis. Hindi ko naman naiwasan ang mapa-singhap dahil 'ron. I know that my actions are really unreasonable. I know that it baffles him. He never asked for that hug, ako ang kusang nagbigay nun sa kanya. Bakit ako nagkaka-ganito?
to be continued..
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
