Enemy #17

498 69 1
                                    

Lindy's POV


Andito ako ngayon sa may junk area kung saan ako nahulog dati, hindi na ako pumasok at sinundan na lamang si Jao.

Pagkatapos niya sa court ay pinag-linis sa kanya ang faculty office na parang sinadya pang dumihan, tapos ngayon ay pinapunta siya dito sa junk area ng school para mag ipon ng tatlong sako ng bote bilang ticket niya pauwi.

I sighed because of his situation. Did he really disrespect the principal that much to face this kind of punishment?


Halos isang oras na akong andito sa junk area ngunit hindi parin ako nagpapakita. I don't know how to expose myself. Pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan kung bakit niya kinakaharap 'to ngayon. Alam kong sa mga oras na 'to ay dapat nagtatampo parin ako kay halimaw dahil sa kanyang ginawa noong nakaraang araw, but as upon seeing his hardships, kahit hindi pa siya nagsosorry ay pinapatawad ko na siya.

Handa na sana akong lumabas sa aking pinagkakataguan para mag pakita ng bigla akong natigilan dahil sa kanyang pagsalita.

"Alam mo, mukha kanang baliw dyan." - sambit niya habang nagpapasok ng bote sa sako.

Napa-lingon ako sa paligid at chineck kung may ibang tao ba siyang kausap or what, pero wala.

"Hoy lawlaw, lumabas kana nga dyan at umalis na." - sambit niya ulit. Bahagya naman akong nagulat ng sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya. Nakapamewang siya at nakatitig sa akin ng deretso, halatang iniintimida ako.

His sweats are already dripping while tiredness is evident on his face. This punishment is exhausting him real hard.

"Jao--" wika ko pero hindi iyon natapos ng bigla niyang putulin ang sasabihin ko.

"Umalis kana dito." - medyo inis na sambit niya sabay tumalikod at bumalik sa inaayos niyang sako.

Hindi ako naka-imik at pinagmasdan lang siya hanggang sa siya'y matapos. When I saw that he's already ready to go, I tried to reach out for him but he just walked away ignoring my presence.

Napamaang ako sa gulat dahil sa ginawa niya but I refused to react. Hinabol ko siya at sumabay sa lakad niya pero mas binilisan pa niya ito. Bigla ko namang hinila ang kamay niya dahilan para mapaharap siya sa akin bigla.

"Ano ba yun? Lindy naman oh, pagod ako." - medyo pasigaw niyang sambit habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko. Hindi naman ako sumagot at tumitig lang sa kanya. "Yan ka nanaman sa kakulitan mo eh!" - dugtong pa niya habang nakatingin parin sa akin "Pwede ba umalis kana!" usal niya pa atsaka nagsimula nang maglakad papalayo.


__________________________________________________________________________________________

Jao's POV


"Pwede ba umalis kana!" — usal ko kay Lindy bago maglakad paalis.

I'm feeling so damn tired right now and if she's just here to mock me, I think it's really a bad timing. Wala akong ibang gusto ngayon kundi ang mag pahinga.

Nag patuloy ako sa paglalakad ng hindi manlang siya nililingon. I walk as fast as I can pero mabilis akong natigilan ng maramdaman ang isang palad na humampas sa likod ng aking leeg.

"Aray!" daing ko sabay hawak sa aking batok na hinampas niya ng pagka-lakas.

"Hoy ikaw halimaw ka, ang arte-arte mo ha! Sumasabay yang kaartehan mo sa kabahuan mo!" - sigaw niya sa akin habang naka-pamewang.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon