Lindy's POV
Halos isang linggo na ang lumipas matapos ang aming acquaintance party, at sa loob ng isang linggo ay naging abala kami sa mga activities at tasks na ibinigay sa amin. Pinagawa kami ng isang business plan at halos ilang beses iyong na-decline ng professor dahil lacking daw sa infos kaya naman ay ilang beses rin akong umulit.
“Miss kana raw ng mga Gin Kapitan, bisitahin mo raw sila.” — ani ni Ulap habang nag aayos ng gamit niya, kakatapos lang ng second subject namin at may 2 hours break kami para sa lunch time.
“Nasa ice cream shop ba sila? Tara punta tayo dun, tutal 2 hours pa naman yung break time natin.” — pang-aaya ko kay Ulap, bigla naman itong ngumiti atsaka ginulo ang buhok ko.
“Sige, sasabihan ko sila na pupunta ka para makapag-handa naman sila.” — baton nito atsaka tumayo na. Isinarado ko naman ang zipper ng bag ko atsaka sumunod na sa kanya.
Habang naglalakad kami ni Ulap papuntang parking lot ay hindi ko maiwasang may mapansing kakaiba sa kanya. Dati kasi ay lagi itong nakasimangot at halos hindi maka-usap, para siyang isang thug life lalo na sa buhok niya noon na mahaba. Pero ngayon, kapansin-pansing hindi na laging naka-kunot ang noo niya at kung mayroon mang lalapit na kaklase sa kanya para mag tanong ay hindi na niya ito tinitingnan ng masama. Nakadagdag rin sa appeal niya yung palagi niyang pag ngiti at ang pagiging kalbo niya dahil naging mas maaliwalas na tingnan ang mukha niya kumpara dati.
Pagkarating namin sa kotse niya ay bigla niyang inihagis ang susi niya sa akin at agad sumakay sa passenger seat. Gulat naman akong sinilip siya mula roon.
“You drive.” — usal niya atsaka sumandal sa headboard ng kotse.
“What? Hindi ako marunong mag drive, Ulap!” — singhal ko sa kanya na halatang di makapaniwala.
“Just try it. Pagod ako, I can't drive.” — tamad niyang baton atsaka ipinikit ang mga mata.
Padabog naman akong sumakay sa driver's seat atsaka niyugyog siya, pero ang loko, hindi manlang nagawang dumilat.
“Hoy Ulap, alam kong di ka tulog.” — sambit ko habang patuloy parin ang pagyugyog sa kanya. Pero tulad kanina ay di ito nagsalita at patuloy na nagpanggap bilang tulog. Napa-sapo naman ako sa noo ko habang naka-tingin sa kanya. “Hoy baka iniintay na tayo dun sa ice cream shop. Mauubos yung oras natin!” — bulyaw ko sa kanya pero hindi lang ulit ito nagsalita. Fvck. “Pag suntukin ko yang tiyan mo, ewan ko nalang kung maka-pikit ka pa.” — pag babanta ko sa kanya, at sa puntong ito ay dumilat siya at tumingin sa akin ng masama.
“Just drive. Tutal wala namang tao.” — baton nito atsaka muling pumikit.
“Ayoko Cloud, baka masira ko yung kotse mo.” — usal ko atsaka in-ON ang kotse, napangiti naman ako ng marinig at alulong ng makina, shocks! Isa sa mga pangarap ko ang matutong mag drive eh hehe.
“Ayaw daw, e naka-ngiti naman, psh.” — usal niya, inirapan ko naman siya atsaka muling itinuon ang atensiyon sa manibela.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
