Enemy #55

476 58 2
                                    

Lindy's POV


Galit akong naglakad papalabas ng hotel matapos ang sagutan naming dalawa ni Jao. Hindi ko kayang tanggapin lahat ng mga sinasabi niya.. hindi ko kaya yung fact na si Sofia nanaman yung tama para sa kanya.

'Hindi ko ginustong murahin siya.. Pero hindi ko rin gusto yung makisali siya sa kung ano man ang away namin ni Sofia.'

Agad akong napa-hinto sa pag-lalakad at muling napalingon sa hotel ng resort.

Nang tumalikod ako kanina, nasabi ko sa sarili ko na hindi ko na siya lilingunin pa. Pero I just can't fvcking understand myself.. nakita ko nalang ang sarili ko na naglalakad papa-pasok muli sa hotel para sundan siya.

'Marupok na kung marupok but I can't take another fight with him..'

Nag lakad ako ng mabilis hanggang sa makarating na ako sa floor ng aming kwarto. Nakita ko si Jao na nagbabadya na sanang pumasok sa loob ng kwarto pero agad ko siyang pinigilan.

"Jao.." - mahinang tawag ko dahilan para matigilan siya. Nanatili lang siyang naka-talikod habang naka-hawak sa doorknob. Hindi niya ako nilingon. Tinatagan ko ang loob ko na hindi maluha habang kinaka-usap siya, kahit sa totoo lang ay kanina ko pa dapat nagawa. "J-jao, I'm s-sorry.. nadala lang a-ako--"

"Lindy wag ngayon." - pampuputol niya sa sinasabi ko.

"J-jao naman.." - mahinang usal ko, nauutal. Sinubukan kong hawakan ang braso niya pero ganun nalang ang gulat ko ng bigla niyang hampasin ang kamay ko. Hindi ko maiwasan ang masaktan lalo na't ang kamay na hinampas niya ay yung kamay na inapakan ng kidnapper nung nakidnap ako.

"Sabi ng wag ngayon diba?!" - pasigaw niyang usal. Kita ko ang galit sa mga mata niya.

'Bakit siya ang nagagalit? Hindi ba't dapat ako?'

"P-pero Jao.. mag-usap naman tayo. Kahit dalawang minuto lang.. ipapaliwanag ko ang lahat." - pagsusumamo ko sa kanya pero tulad kanina ay hindi parin nagbabago ang ekspresyon niya.

"Ayoko munang makipag-usap. Palipasin na muna natin 'tong araw na 'to." - malamig na usal niya habang naka-tingin sa akin ng deritso sa mata.

Napa-kagat ako sa labi ko ng maramdaman ang mga luhang nag babadya nang tumulo. Fvck, wag na wag kang iiyak, Lindy!

"P-pero J-jao.. gusto k-kong ipaliwanag ang lahat.. yung tungkol sa notebook at yung tungkol sa away namin ni--"

"Ayoko nga muna diba?! Bakit ba ang kulit mo?!" - sigaw niya dahilan para matigilan ako. "Ayaw kitang kausapin at hinding-hindi kita kakausapin hanggat sa hindi ko nakikitang maayos si Sofia!" - dugtong niya pa.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon