Jao's POV ⚕
‘Sometimes, some people thinks that you are not in pain just because you don't show sadness to them, without knowing that when everyone's asleep, you were there alone in the dark, longing and breaking, feeling crashed 'cause your world had already been broken.’
Dalawang buwan na ang nakaka-lipas matapos ang insidenteng kinaharap ni Lindy kung saan nawala ang isa sa aming kambal.
After the incident, Lindy refused to have visitors.. ayaw niya ng kung sino-sinong bisita maski ang mga gin kapitan, sina mama at papa, si Bonnita, at ako..
She was still in the hospital at ang tanging nakakasama niya lang ay sina tita Lydia, tito Orlando, at Diana. Maliban sa kanilang tatlo ay wala na siyang hinahayaan na makalapit sa kanya.
The baby is still in the incubator or INCU, still fighting for his life, at iyon rin marahil ang rason kung bakit di pa lumalabas si Lindy sa ospital kahit na pwede na siyang ma-discharge.
The situation we had was sooo heartbreaking for me, pero para bang mas lalo akong nasasaktan lalo na't parang pinagbabawalan nila akong makalapit sa mag-ina ko.. sa anak ko..
Tulad ng araw-araw kong ginagawa sa loob ng dalawang buwan, tumungo nanaman ako sa ospital para makita si Lindy pati na rin ang anak namin, pero hindi pa man ako tuluyang nakaka-lapit sa kanila ay hinarang na ako agad ni Diana.
“Jao.. andito ka nanaman..” — usal niya habang nagkakamot ng ulo.
“Nagsasawa kana ba?” — pabirong usal ko pero hindi siya tumawa.
Napa-hinga nalang ako ng malalim at napa-hawak sa aking batok.
“Susubukan ko lang sana ulit bumisita, kahit saglit.” — mahinang usal ko.
“Eh bawal nga eh..” — mahinang baton rin ni Diana.
Napa-tango ako dahil sa sinabi niya. Ano pa nga bang inaasahan ko? Malamang ay uuwi nanaman ako ng walang napapala.
“Andyan ba sina tita Lydia at tito Andy?” — tanong ko atsaka sumiplat sa pinto ng private room ni Lindy kung saan nilipat na rin ang INCU ni baby Matthew.
“Umuwi muna sila saglit, pero babalik rin sila mamaya.” — sagot niya.
Hindi ako umimik atsaka tumango nalang.
“Wag kang mag-alala, babalitaan nalang kita.” — naka-ngiting usal ni Diana.
“Salamat..” — tanging nai-sagot ko.
Nag-usap pa kami saglit bago ako mag desisyon na umuwi.
‘Hanggang kailan ba ganito?’
Pagka-uwi ko ay tinitigan lang ako ni mama atsaka nag iwas ng tingin. Hindi naman lingid sa kaalaman nila ang ginagawa kong pag bisita kay Lindy kahit na wala naman akong napapala. Alam kong naaawa sila sa akin pero mga wala ring magawa.
Our house feels so empty. Ramdam mo ang sobrang katahimikan at kalungkutan. It seems that something is lacking.. like something is missing..
Tahimik akong pumunta sa kwarto ko at napa-tulala. And there, in the silence, I secretly weep.
2 months ago, inilibing ang isa sa mga kambal kong namayapa, at halos magunaw ang mundo ko ng hindi manlang nila ako nagawang imbitahan. Halos nalaman ko nalang ang lahat kung kailan tapos na ang seremonyas. I feel like I don't belong to any of their plans, and it pains me.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
Aktuelle LiteraturSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
