Enemy #38

495 58 1
                                    

Lindy's POV


Saturday ngayon pero kailangan namin pumunta maya-maya sa school para sa meeting ng bawat clubs na sinalihan namin, ngayong araw lang kasi ang binigay na oras para sa meetings para daw hindi maapektuhan ang aming class schedules.

Pagka-baba ko sa aming bahay ay nasilip ko mula sa aming bintana ang paghahakot nina Jao at Sofia ng tatlong malalaking maleta papalabas. Dali-dali naman akong lumabas para maki-isyoso.

“Oh, hi Lindy!” — masayang bati sakin ni Sofia habang nakangiti. Psh. Plastic!

Nginitian ko nalang rin siya at lumapit na sa kanila.

Anong meron?” — nalilitong tanong ko habang tinitingnan ang mga bagaheng ipinapasok nila sa sasakyan ni Jao.

“Ah, lilipat na kasi si Sofia sa condo niya bukas kaya tinutulungan ko siyang mag hakot ng iilan sa mga gamit niya.” — sagot ni Jao na halatang nalilibang parin sa kaka-asikaso ng mga gamit ni Sofia. Yan ba yung ‘iilan’ na sinasabi niya? Bakit parang sobrang dami?

“Ahh.”sagot ko nalang habang tumatango-tango. Hinayaan ko na lamang sila at nag-handa na para sa meeting mamaya.

Pagka-tapos ko mag-ayos ay nagpa-alam na ako para pumasok sa school, nag commute nalang ako para hindi na maabala pa sila papa, tutal ay parang busy naman ang mga ito kaya hinayaan ko nalang.

Tulad ng dati ay medyo maraming estudyante ang naka-kalat sa buong school kasi may mangilan-ngilang college students na may saturday class.

Mula sa di kalayuan ay nakita ko si Bonnita na naglalakad kaya naman ay di na ako nag-atubili na lapitan ito.

Bonnita..” — bulong ko ng nasa likod na niya ako mismo. Hindi ko ba alam, pero parang ako ang nahihiya sa ginawa ni Cloud sa kanya kahapon.

“Uy Lindy.”masayang baton niya na parang wala lang ang nangyari. Nginitian ko rin siya at biglang yumapos sa kamay niya.

“Bonnita, akala ko nagtatampo ka eh.” — medyo nahihiya kong bulong habang nakatingin sa kanya. Tumingin naman ito sa akin na parang nagtataka. “Kasi diba, yung sinabi sayo ni Cloud..” — dugtong ko.

“Ay ano kaba! Hahaha okay lang yun, pero natakot ako kahapon nun ha.” — baton nito habang natatawa pa.

“Hays, sorry.” — bulong ko ulit.

“Hehe okay lang! Basta pag kasama mo si Cloud, di kita lalapitan ha?” — naka-ngiting sagot nito kaya binatunan ko rin siya ng ngiti. “Oh pano ba, separate ways muna tayo ha? Kailangan nako sa theatre club eh. Babye Lindy!” — pagpapa-alam nito habang iwinawagayway ang kamay papalayo. Kinawayan ko nalang rin siya hanggang sa hindi ko na siya makita.

Naglakad nalang rin ako papunta sa music room kung saan gaganapin ang meeting para sa mga qualified members ng music club. Nang medyo malapit na ako sa music room ay nakita ko si Cloud sa di kalayuan kaya naman ay tinawag ko ito.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon