Lindy's POV
Halos mag palakpakan kaming lahat ng matapos na si Cloud kumanta, well maliban sa lolo niya.
Dali-dali siyang bumaba sa stage at lumapit sa tabi ko.
"Uy ang galing mo pala kumanta ha." - bulong ko sa habang naka-ngiti, sinimangutan lang niya naman ako saka bumulong ng, "Psh." Hinayaan ko na lamang siya sa fact na baka nahihiya ito at ayaw pag-usapan ang pag kanta niya.
"Next please?" - ani nung lalaki na katabi ng lolo ni Cloud. Lilingon na sana ako para silipin kung sino yung sinasabihan niya ng makita ko silang lahat pati na si Cloud na naka-tingin sa akin.
"Ano pang iniintay mo? Akyat na." - bulong sa akin ni Cloud habang ang lahat ay naka-titig parin sa akin.
"Hala Cloud, di ako prepared." - kinakabahang baton ko habang naka-tingin sa kanya. Nakita ko naman itong bumusangot sa akin.
"Anong alam mong kanta? Tutugtugin ko." - bulong niya muli habang naka-tingin ng seryoso sa akin.
"Ha? Wherever you are lang naman ng 5SOS yung memoriz--" - Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla na niya akong hilain paakyat ng stage.
Bigla niyang kinuha yung gitarang ginamit niya kanina at sinimulan nang mag-tugtog. Wtf? Magsisimula naba? Wala man lang countings?
Kinakabahan man ay lumapit na ako sa stand ng microphone saka sinimulan nang kumanta matapos ang interlude.
*Play the vid in the thumbnail for Lindy's song (isipin niyo nalang na yan yung boses ni Lindy, just the voice ha, not the looks hehe)
Hindi ko ba mawari kung nanginginig naba ang boses ko sa kaba habang kumakanta. Ramdam ko rin ang pangangatog ng buo kong katawan ng makita ko silang lahat na seryosong naka-tingin sa akin habang naka-kunot ang mga noo. Jusko, paano kung napapangitan pala sila sa boses ko?
Bigla akong napalingon kay Cloud dahil sa kaba at nakita siyang naka-titig rin sa akin habang nag-gigitara. Bigla akong nakampante ng mag-tama ang paningin naming dalawa. Parang nawala bigla yung kaba ko.
Nang matapos akong kumanta ay napa-pikit ako ng mariin habang iniintay ang comments nila. Laking gulat ko naman ng marinig na lahat sila ay nag papalakpakan maliban ulit sa lolo ni Cloud. Hindi ko naman maiwasang mapangiti ng dahil roon.
"You have a good voice miss, pasok kana." - ani nung lalaki habang nakangiti sa akin. Napa-singhap naman ako dahil sa narinig. Oh my God, tanggap na ako!
"Psh." - bulong ni Cloud saka dali-daling nag lakad papalabas ng music room. Napa-tingin naman kaming lahat sa kanya dahil sa kanyang inasal. Anong nangyari dun?
"Uhm, wait lang po ah, susundan ko lang po siya." - pagpapa-alam ko sa kanila na agad naman nilang sinang-ayunan.
"Sige miss, balik kayo sa susunod na bukas para sa meeting ha?" - sambit nung lalaking hanggang ngayon ay hindi ko parin kilala. Tumango naman ako bilang pag-sang ayon atsaka lumabas na.
Pagka-labas ko sa music room ay nakita ko si Cloud na naglalakad sa malayo. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at tumakbo na papalapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
