Enemy #68

382 57 0
                                    

Lindy's POV


Maaga akong pumasok sa school ngayon.

Ngayong araw na ang monthsary namin ni halimaw at sinadya ko talagang pumasok ng maaga para hindi kami magka-sabay.

Bitbit ko ngayon ang explosion box na ginawa ko na halos kagabi ko lang rin natapos. Jusko, di ko naman alam na ganito pala kahirap gumawa ng explosion box. Ilang beses rin akong nag-ulit bago ko makuha ang tamang pag gawa.

"Bonnita!"

Pagtatawag ko kay Bonnita atsaka nagmadaling naglakad palapit sa kanya.

"Lindy-- uy ano yang dala mo?" - tanong niyang atsaka tinuro ang explosion box na dala ko.

"Ah hehe, ito yung surprise ko kay halimaw. Monthsary na namin ngayon." - baton ko.

Bigla namang tumaas ang kilay niya na para bang inoobserbahan ang box na hawak ko.

"Seriously? Isang box lang ang ipang-susurpresa mo para sa first monthsary niyo?" - di maka-paniwalang tanong niya.

Pabiro ko naman siyang inirapan dahil rito.

"Hindi naman kasi to basta simpleng box lang no. Explosion box to at pinaghirapan ko to." - baton ko.

"Ano ba kasing laman ng box na yan?" - tanong niya at kukunin na sana yung box pero pinigilan ko siya.

"Tara ipapakita ko sayo." - usal ko atsaka hinila na siya palayo.

Umupo kami sa isang bench kung saan hindi gaanong marami ang tao atsaka ipinakita sa kanya ang explosion box na ginawa ko.

Nasa loob ng explosion box ang mangilan-ngilang mga tula na ginawa at isinulat ko para kay halimaw, pati na rin ang mga litrato namin simula noong pagka-bata.

Sa labas ng box ay simpleng kulay brown lang ito pero pag buksan na ay iba-ibang color na ang makikita kaya naman hindi na nakakapag-takang manghang-mangha si Bonnita ng makita na ang laman nito.

"Oh my God Lindy ang ganda." - sigaw ni Bonnita.

"I know right." - pabiro kong baton.

"Nice. Eh ano namang surpresa sayo ni Jao? Kwentuhan mo nga ako dali. Ano yung regalo niya?" - excited at sunod-sunod na tanong ni Bonnita.

Bigla naman akong napa-tigil at napa-isip...

"H-ha? Wala eh." - baton ko.

"Wala? Anong wala?" - nagtatakang tanong niya. "Wala siyang regalo manlang para sayo? Wala kapa bang natatanggap?"

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon