Lindy's POV
‘In life, no matter how hard you try to exclude yourself in situations that are out of your control, as long as it is still connected to you, you got no choice but to get included.’
Matapos ang nangyaring kumusyon kanina na kinasangkutan ni Jao ay minabuti ng mga gin kapitan na umuwi muna para mabigyan kami ng oras para makapag-usap na magpapamilya. Hindi naman ako naka-tanggi kahit na medyo malalim na ang gabi.
Kasalakuyan ako ngayong naka-upo sa aming sofa habang sina mama at papa naman ay naka-upo lang sa harap ko.
Kaming tatlo nalang ang nasa loob ng aming bahay. Masyadong magulo ang nangyari kanina at halos hindi ko na namalayan kung saan ba napunta ang iba lalo na si Sofia.
“Let us all rest. Ala una na.” — mahina pero madiing usal ni papa bago tumayo.
Agad naman akong tumayo sa gulat at bahagyang lumapit sa kanya.
“P-papa..” — usal ko at natigilan naman siya.
Napa-tingin sa amin si mama at binigyan ko naman siya ng maka-hulugang tingin na batid ko ay naintindihan niya.
“A-ah, m-mauna na ako sa taas..” — sambit ni mama atsaka pumanhik na sa hagdanan para umakyat.
Tanging kaming dalawa nalang ni papa ang naiwan at halos hindi ko maintindihan ang kabang bumabalot sa aking sistema.
“P-papa..” — muling usal ko bago dahan-dahang lumapit sa kanya.
Agad naman siyang lumingon sa akin gamit ang kanyang blangkong tingin.
“Hmm.” — tanging nai-usal niya.
Hindi ko ba alam pero parang matik na nag-unahan ang mga luha ko sa pag tulo dahil sa kaba at lungkot.
“P-papa.. are you mad?” — mahinang tanong ko habang lumuluha.
Hindi naman sumagot si papa at tiningnan lang ako. Isa iyong tingin na para ba'ng oo ang sagot niya sa katanungan ko.
“P-papa, sorry..” — humihikbing usal ko atsaka mabilis siyang niyakap.
‘puro sakit sa ulo nalang ang dala ko.’
“S-sorry papa.. sorry..” — umiiyak paring usal ko.
Halos ilang minuto muna ang lumipas bago ko maramdaman ang kamay ni papa na unti-unting bumabaton sa yakap ko. Mas lalo naman akong naiyak dahil 'ron.
“G-galit ako..” — gumagaral na baton ni papa habang naka-yakap parin sa akin. Batid kong tulad ko ay umiiyak na rin siya. “Galit na galit ako..” — muling usal niya atsaka suminghap. “Nagagalit ako kasi wala akong magawa para sayo.. nagagalit ako kasi alam kong ako ang dahilan kung bakit ganyan ang kinahinatnan mo, wala akong kwentang ama..” — dugtong niya.
Agad naman akong humiwalay sa yakap niya at tinititigan siya.
“N-no papa, please don't say that..” — ani ko habang umiiling-iling.
“But it's true..” — mabilis niyang baton kaya natigilan ako. “I'm so s-sorry anak.. kaya kong ibigay ang kahit ano sayo pero hindi ang pag-ibig na ipinaglaban niyo. I can't do anything with it. I'm useless. I am one of the reason for your heartache.. I'm sorry..” — dugtong niya.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
