(Play the featured song above.
Title: The man who can't be moved
By: The Script 🌷)
-
Jao's POV
8:45 pm na ng gabi pero nag madali akong lumabas ng bahay para puntuhan si Sofia.
‘I fvcking need to talk to her! I want to ask why did she lied.’
Pagkarating ko sa buong condominium kung nasaan siya ay nag madali akong pumunta sa sariling unit niya. Doon ko lang napag-tanto na hindi pala ako nakapag-ayos ng sarili bago umalis kaya naman muntik na akong hindi papasukin ng guard ng hindi ako nito makilala.
Halos gigil akong nag doorbell sa pinto ni Sofia ng medyo matagalan itong mag bukas.
“J-jao.. napadalaw ka? Tara pasok.” — pa-anyaya na halatang nagulat pa sa biglaang pag bisita ko.
Pagka-pasok ko ay hindi na ako nag aksaya pa ng oras at kinumpronta siya.
“Totoo ba?” — tanong ko. Bigla namang nag kunot ang noo niya dahil rito.
“Totoo ang alin?” — tanong niya pabalik.
Hindi ko naman napigilan ang mapa-sabunot sa ulo ko dahil sa frustrations.
“Jao, is there any problem? Maupo ka nga muna.” — usal niya at akma na sanang hahawakan ako pero agad ko siyang pinigilan.
“Totoo bang ikaw yung may pasimuno ng mga away niyo ni Lindy?” — tanong ko na pilit pang pinahihinahon ang boses ko.
Nakita ko ang biglaang panlalaki ng mga mata ni Sofia dahil sa sinabi ko. Fear is also evident.
“W-what? O-of couse not!” — mabilis niyang baton.
“Sofia please, just tell the truth.” — I pleaded.
Masyado na akong nalilito. I fvcking want to know the truth right now!
“I am telling the truth Jao! Bakit? Y-yan ba yung sabi ng btch na yun? Walang hiya siya, hindi na siya nag tanda!” — sigaw ni Sofia habang naka-tingin sa ibang deriksiyon at naka-kuyom ang mga kamay.
Agad naman akong napatingin sa kanya dahil sa gulat. This is the first time I heard her cuss. Hindi ko akalaing magagawa niyang mag bitiw ng ganung salita dahil all these times ang pinapakita niya lang sa akin ay ang kabutihan.
I acted like I haven't heard what she said. Halatang frustrated na rin si Sofia dahil sa biglaang pag sugod ko, at mukhang hindi na niya napapansin ang mga akto niya.
“Nabasa ko ang notebook ni Lindy, Sofia. Please stop denying!” — gigil na usal ko.
“N-notebook?! Fvck her! I should've get that dati pa kung hindi lang siya epal!” — sigaw niya muli.
Bigla namang nag kunot ang noo ko dahil rito.
'bakit ngayon ko lang nakita yung pag-uugali ni Sofia na ganito?'
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
