Lindy's POV
Kinabukasan, tulad ng nakasanayan ay maaga kaming gumising para mag prepare papuntang school.
Halos nakakasanayan ko na rin ang ganitong uri ng routine kaya naman kung minsan ay ako na ang gumigising kay halimaw at naghahanda ng isusuot niya.
Matapos naming gawin lahat ng seremonyas ng paghahanda ay napag-desisyunan na naming umalis para masimulan na ang paglalakad papuntang school.
Mas naunang bumaba si halimaw kaysa sa akin, at tulad ng laging nangyayari, I can't help myself from smiling when I saw him waiting patiently while his both hands are on his pockets.
"Tara na?" - naka-ngiting pang-aaya ko habang naka-lahad ang mga kamay.
Tinanggap niya ang kamay ko pero imbes na sa direksiyon kami papuntang school pumunta ay nagulat nalang ako ng maramdaman kong hinihila niya ako papalapit sa malaking gate na katabi lang ng apartment building namin. Sa parking lot ng apartment.
"Anong ginagawa natin dito?" - di maiwasang tanong ko ng makapasok na kami sa loob.
Tumambad sa amin ang mga kotse ng iba pang owner ng mga apartment.
Nakita ko ang pag ngisi ni halimaw habang pinipisil ang kasalukuyan niyang hawak na kamay ko.
"Sikretong malupet." - naka-ngiting baton niya.
Hindi nalang ako sumagot at muli nang nagpa-hatak sa kanya.
May malaking hallway sa loob ng open space parking lot ng apartment kung saan maaaring maka-daan ang anumang uri ng sasakyan na pag-aari ng mga apartment owners.
Naramdaman kong nag lakad kami papunta sa pinaka-dulo ng parking lot at tumambad sa akin ang kotse na naka-balot ng puting tela.
Hindi maiwasang mag kunot ng noo ko ng ma-realize kung kaninong kotse ito.
"Oh anong meron?" - tanong ko.
Mas lalo namang lumawak ang ngiti niya habang naglalakad papalapit sa kanyang kotse.
Halos hindi ko na maalala kung kailan niya yan huling ginamit kaya naman ay hindi ko maiwasan ang mag taka kung bakit pinapakita niya ito sakin ngayon. Mag kokotse ba kami ngayon? Eh pano yung pang gas?
"Tumingin ka lawlaw ha, sorpresa to!" - naka-ngiting usal niya habang hawak-hawak ang laylayan ng puting tela.
Maya-maya pa ay nakita kong dahan-dahan niyang iniaangat ang tela hanggang sa tumambad sa akin ang kotse niyang.. well, uhm.. so anong meron? Same car, same color, walang pinagbago.
"Tadah!" - excited na usal ni halimaw.
Bigla akong natahimik at pinagmasdan ang kotse niya kung meron bang pagbabago pero wala.
"Uhh, and then?" - tanong ko habang patuloy parin sa pag obserba.
'Tsk, ano bang meron?'
"Psh!" - narinig kong daing niya atsaka hinila ako sa gilid ng sasakyan niya.
Agad tumambad sa akin ang pirmang Supamacho sa gilid ng sasakyan niya, pero di tulad noon ay may nadagdag na itong MR. at MRS.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
