Lindy's POV
Napa-buntong hininga na lamang ako nang tuluyan nang maka-pasok sa aking kwarto.
‘Pag sabihin ko ba, maniniwala ka? Base kasi sa nakikita ko sayo ay alam ko na ang sagot sa mga tanong ko. Sino ba naman kasi ako para paniwalaan mo? Eh isang iyak lang niya sunod-sunuran kana sa lahat ng gusto niya.’
Pagkatapos ko maligo at magsipilyo ay padabog akong humiga sa aking kama. 4:00 pm palang ng hapon pero yung suot ko ay pang-tulog na. Sinabihan ko na rin sila papa na wag na akong gisingin para sa hapunan.
Hanggang ngayon ay hindi ko parin maintindihan ang sarili ko kung bakit mas pinili kong manahimik kanina noong tinatanong ako ni Jao, siguro kasi nakita ko kung paano siya mag care kay Sofia kaya mas pinili kong manahimik nalang. Bakit mo naman nagawa yun? Tss. Wala akong ginawa Jao pero base sa tanong mo parang siguradong-sigurado kana na ako nga yung may kasalanan at hindi siya.
Mula sa pagkaka-higa ay nakita ko ang notebook na sinusulatan ko ng aking mga problema at kinuha ito. Inisa-isa ko ang bawat pahina at nakitang halos lahat ng sinusulat ko doon ay patungkol kina Jao at Sofia. Napangiti ako ng mapait ng damputin ko ang ballpen atsaka sinimulang magsulat ukol sa aking nararamdaman. Diaries might be old-fashioned, but in my case, it will never be considered as old especially that I don't have someone to listen to my stories untold.
Matapos kong magsulat ay inilapag ko na ang notebook sa aking study table at bumalik na sa aking kama.
“Aray.” — daing ko ng aksidente kong madaganan ang aking kanang kamay. Agad-agad ko itong iniangat at nagulat ng makitang may pasa ito. Psh! Sino ba namang hindi magkaka-pasa sa ginawang pag-hablot nina Sofia at Jao diyan kanina?
Ilang minuto pa akong nag-isip bago pumikit at makatulog.
“Lindy?”
Unti-unti akong napa-mulat ng maka-rinig ako ng mga mahihinang pagkatok mula sa pinto ng aking terrace. Nangunat ako at napa-hawak pa sa mukha habang inaaninag ang tao na naka-silip mula sa glass door ng aking terrace.
“Jao?” — mahinang bulong ko ng ma-realize kung sino ito.
Dali-dali akong tumayo at sumilip sa orasan at nagulat ng makitang 10:20 pm na ng gabi. Anong namang ginagawa nito dito?
Binuksan ko ang pinto ng aking terrace at napa-kunot ang noo ng tuloy-tuloy na pumasok si Jao sa loob ng aking kwarto.
“Yep?” — mahinang usal ko habang naka-tingin sa kanya ng deritso. Medyo sumilip pa ako sa pinto ng aking terrace para silipin kung meron pabang isang taong papasok ng biglang magsalita si Jao.
“Uhm wala dito si Sofia, doon nalang daw siya matutulog sa unit niya.” — naka-ngiting sambit ni Jao na ikina-kunot nanaman ng noo ko. Psh, tinatanong ko ba?
Hindi nalang ako nagsalita habang pinagmamasdan siyang palakad-lakad sa loob ng aking kwarto. Maya-maya pa ay lumapit ito sa aking study table at akma na sanang kukunin ang aking laptop kaya naman ay agad-agad akong nag-salita.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
