(Featured music in the media: Akala by Marion Aunor.)
Lindy's POV
'I sometimes ask myself on what will be the greatest thing I can possibly do to save myself from an extreme pain... maybe being with Cloud is the right thing to do..'
Lahat kami ay nasa loob na ng bus at handa nang umuwi sa aming mga bahay. Halos namutawi ang katahimikan sa lahat matapos kong ianunsyo ang pagiging mag-ON namin ni Cloud.. nakikita ko sa mga tingin nila na para bang mali ako sa desisyon kong makipag-relasyon kay Cloud. Nakikita ko sa mga tingin nila ang pang-hihinayang.
Kung dati habang papunta palang kami sa resort ay napuno ng kulitan sa buong bus, ngayon ay halos nakaka-bingi ang katahimikan dahil halos wala ni isa ang nag sasalita. Naging kapansin-pansin rin ang pananahimik ni Bonnita na para bang hanggang ngayon ay hindi parin maka-paniwala sa naging desisyon ko.
'Well, would you blame me? Gusto kong malimutan ang sakit.. at parte ng pag limot ko ang humingi ng tulong ng iba.'
Cloud is an amazing person. Kahit napaka-rami ng bisyo niya at medyo hindi maganda ang image niya ay nagkaroon parin ako ng tsansa na makita ang tunay na siya. He's too prescious to be used.. kaya noong sinabi ko sa kanyang handa akong pilitin ang sarili ko na mahalin siya, nasabi ko sa sarili ko na handa akong gawin ang lahat para mangyari yun.
Hindi mahirap mahalin si Ulap. Who knows na baka sa pag-lipas ng mga araw at buwan, ay matutunan ko ring siyang mahalin.
Bigla akong napa-lingon kay Ulap na ngayon ay naka-lingon sa bintana ng bus habang naka-salpak ang headset sa tainga. Kasalukuyan kami ngayong mag katabi sa upuang pang-dalawahan na naka-pwesto sa pinaka-likurang bahagi ng bus.
I remembered back when I was younger, I always told myself na ang unang lalaking papapasukin ko sa buhay ko ay special. Tulad ng ibang kababaihan, hindi ko maiwasan ang mag imagine ng mga bagay-bagay tungkol sa pag pasok sa isang relasyon. I am a hopeless romantic.. mabilis akong kiligin kahit sa maliit na bagay lang.
Pero ngayong may nobyo na ako, hindi ko maiwasan ang madismaya.. I don't feel any romantic excitement whenever I look at Cloud.. hindi ba't dapat maging masaya ako na sa loob ng labing-siyam na taong pamumuhay ko ay finally naranasan ko na ring pumasok sa isang relasyon na noo'y kinakatakutan ko. I must be very happy.. pero bakit hindi ko magawang maging masaya?
Naka-pwesto ako sa upuan na malapit sa aisle ng bus, mula sa pwesto ko ay nakikita ko ang ulo ni Jao na nasa upuang tatlo lang ang pagitan sa amin. He must be very tall, pati ulo niya lumalagpas na sa upuan ng bus.
Bigla akong napa-iwas ng tingin. Fvck it! I must avoid thinking about him again.
Muli akong lumingon kay Ulap na ngayon ay parang malalim ang iniisip. Hinablot ko ang isang pares ng headset niya at inilagay iyon sa tainga ko, bigla naman siyang lumingon sa akin at babawiin na sana yung headset pero agad ko siyang pinigilan.
"opps, jowa mo na ako." - pag bibiro ko sa kanya. Nakita ko naman ang pag-smirk niya atsaka umiling-iling.
"Blackmail?" - baton niya atsaka muling lumingon sa bintana. Hindi ko naman maiwasan ang mapatawa dahil rito.
'I promised him that I will go back to my old self.. at hindi ko yun ipagdadamot sa kanya.'
![](https://img.wattpad.com/cover/89364198-288-k648696.jpg)
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved