Enemy #80

429 45 2
                                        

Lindy's POV


'Craziness is a choice.. Even the sanest person can be unbelievably ridiculous if they choose so.'

Lumipas ang ilang araw, ilang linggo, at ilang buwan.. ganyan kami katagal na nag sama ni halimaw ng kaming dalawa lang.

Medyo mahirap lalo na sa larangan ng pagtitipid pero unti-unti ko na rin yong nakakasanayan.

Ilang buwan na ang nakaka-lipas.. 4 months specifically.. at sa loob ng apat na buwan na iyon ay hindi na ulit kami ginulo ng aming mga magulang. Tumigil na sila sa kaka-pilit sa amin, at ngayon halos wala nang komunikasyon ang aming mga panig.

Sa loob ng apat na buwan, napansin ko ang pag grow namin ni Jao hindi lang bilang mga tao kundi pati na rin bilang magka-relasyon. Sa mga buwang nag daan ay marami rin kaming hindi napagka-kasunduan sa mga marami ngunit simpleng bagay.. tulad ng simpleng household chores, tungkol sa kalinisan, etc. Halos lahat ng gawaing bahay ay inaako ni halimaw kaya naman minsan ay nabibwisit ako at inaaway ko siya. But in the end of the day, pag nakikita ko siyang nalulungkot dahil sa pang-aaway ko sa kanya, ako lang rin ang hindi nakakapag-tiis at nakikipag-bati.

We both became very open and very close to each other. Halos lahat ng nangyari sa buong araw namin pati na rin yung mga discoveries namin ay pinag-uusapan namin bago matulog. Pakiramdam ko nga ay ibang level na ngayon ang relationship namin ni Jao.. hindi nalang siya yung typical na puro lang pakilig. We live together, we educate each other, and we let each other to learn and grow together. Hindi uso sa amin ni halimaw ang pataasan ng pride, dahil kung sino man ang may kasalanan sa amin, yun yung nagpapa-kumbaba.


Kasalukuyan kami ngayong nagrereview sa malawak naming kama para sa final examination namin sa susunod na araw.

Halos hindi ko maiwasang mapa-nguso habang pinagmamasdan kung gaano kabilis mag review si halimaw. Tatlong subject na kasi ang naaaral niya, samantalang hindi parin ako maka-alis sa librong binabasa ko kanina pa.


"Arrghh!" - daing ko atsaka nag palumbaba sa librong hawak ko.

'bwisit! kahit anong basa, wala talagang pumapasok!'


"Oy lawlaw, ayos ka lang?" - tanong niya atsaka lumapit sa akin.

Kasalukuyan ako ngayong naka-dapa at hindi gumagalaw kaya naman ay ramdam na ramdam ko ang pag yugyog niya sa akin mula sa likuran.

"Di ko na kaya.. babagsak ata ako." - bulong ko atsaka tumihaya dahilan para mapa-harap ako sa kanya.

Halos mapa-daing ako ng bigla niyang pitikin ng malakas yung noo ko!

"Ah!" - daing ko atsaka hinaplos-haplos ang noo kong pinitik niya.

"Tsk tsk tsk.. hindi dapat ganyan ang mentality ng isang future Supamacho lawlaw!" - reklamo niya.

Hindi naman ako sumagot at inirapan nalang siya. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang biglaang pag higa niya at ang pag tabi sa akin. Pareho na kami ngayong naka-tihaya sa dingding at pawang hindi nagsasalita.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon