(Play the featured music in the media;
Title: Chasing cars
By: Snow patrol (WW's Version)
This chapter is way better if you play the featured song above. )
-
Cloud's POV
Pagka-tapos tumawag ni Ethan ay dali-dali akong pumunta sa condo niya kasama si Jao.. pero pagkarating amin dun ay wala kaming naabutan. Fvck!
“A-asan sila?” — tanong ni Jao habang nililibot ang buong condo pero di ko ito sinagot dahil kahit ako mismo ay hindi alam kung nasaan sila.
Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at nanginginig na tinawagan si Ethan.
“Hel--” — hindi na natapos ang sasabihin niya kasi agad ko itong pinutol.
“Putanginaa mo Ethan, asan sila?!” — sigaw ko sa cellphone atsaka huminga ng malalim. “Hindi ka talaga nagbabagong gago ka! Mapaglinlang ka parin!” — muling sigaw ko habang naka-kuyom ang mga kamay. Si Jao naman ay napa-hinto sa paghahanap atsaka naguguluhang tumitig sa akin.
“Teka.. asan kaba?” — tanong ni Ethan na walang kakaba-kaba sa boses ang maririnig.
“Wala akong oras makipag biruan sayo gago! Gusto mo bang wasakin ko lahat ng gamit mo dito sa condo mo?!” — muling sigaw ko sa kanya. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang nililinlang ako tanginaa.
“Teka nga! Sino ba kasing may sabi na andyan sila?! Gago ulul! Nasa hideout sila!” — pasigaw na baton niya.
Hideout? Fvck!
Hindi ko na siya sinagot at dalian nang binaba ang linya ng tawag. Agad naman akong lumabas atsaka sumunod naman si Jao sa akin palabas pero bago yun ay binasag ko ang 64 inches na TV sa sala niya at iniwang bukas ang nasira nang pinto dahil sa pag-puwersa namin ni Jao kanina.
Alam ko kung nasaan ang hideout na sinasabi niya dahil minsan narin akong nakarating doon, at masasabi kong masama ang kutob ko dahil hindi basta-basta ang mga taong andoon.
Halos paharurutin ko na ang kotse ko para makarating kami agad sa hideout lalo na't may kalayuan ito.
“S-sino y-yung kausap mo kanina?” — narinig kong nauutal na tanong ni Jao pero hindi ko lang ito sinagot at pinasadahan lang siya ng tingin.
Wala akong time na mag storytelling ngayon, at kung ikukwento ko man kung sakali ang mga nangyayari.. sinisigurado kong hindi yun sa kanya at sa kung sino pa.
“Tumawag ka ng mga pulis, sabihin mo na i-track nila tayo para mas mabilis nila tayong masundan.” — pag uutos ko sa kanya. Tumango naman ito atsaka tinawagan na ang mga pulis.
Maya-maya pa ay nauna kaming makarating ni Jao sa hideout pero pinili naming hindi mag pakita dahil nakita kong napakarami ang nagbabantay sa paligid at alam kong wala kaming laban lalo na't nasa teritoryo nila kami.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
Ficción GeneralSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
