Lindy's POV
“Anak bilis na, malelate tayong dalawa nito eh.” — pag mamaktol ni papa habang kumakatok sa pintuan ng aking kwarto.
“Opo pa, wait lang.” — baton ko habang mabilis na nagpapabango. Tiningnan ko ng huling beses ang itsura ko mula sa vanity mirror atsaka tuluyan ng lumabas.
First day of school ko ngayon sa aking college life kaya naman si papa na ang nag presinta sa akin para ihatid ako sa school, tutal ay madadaanan naman ng ruta ang school namin papunta sa office kung saan sila nagtatrabaho nila mama at ng parents ni Jao. 8:00 am ang start ng orientation kaya naman ay umalis na kami ni papa by 7:15.
Hindi ko na inintindi kung umalis na rin ba sina Jao at Sofia dahil kanina pa nag mamadali si papa. Hays, magkaklase pa naman kaming tatlo, at hindi ko pa memorize ang bawat building ng aking bagong school kaya naman ay medyo kinakabahan ako.
Pagkarating ko sa D. Harvey University ay halos marami na rin ang mga estudyanteng nag-kalat sa buong school. Mahirap ma-distinguish kung ano-ano ba ang mga course ng bawat estudyante dito kasi NO UNIFORM POLICY itong university kaya naman sa tingin ko ay mahihirapan akong mag tanong-tanong kung sino-sino ba yung mga magiging kaklase ko.
Nag suot lang ako ng black fitted jeans at azure shade of blouse para sa ngayong araw. Mas pinili kong mag jeans kasi alam kong magsisiksikan mamaya para sa orientation, at alam kong mas magiging komportable ang pag-galaw ko dahil dito sa pinili kong damit.
Naglakad ako papasok sa kabuuan ng school kahit hindi ko pa alam kung saan ba talaga ako pupunta. Wala akong ginawa kundi ang magpalinga-linga kaya naman medyo nagulat ako ng biglang may maka-bangga akong isang estudyante.
“Hey, watch your steps!” — mataray na sigaw ng isang curly haired girl na.. err.. hindi naman masyadong maganda habang naka-tingin sa akin. Napalunok naman ako dahil sa pinasok kong senaryo. Naku, hindi ito yung first day of school na pinapangarap ko no.
“Sorry.” — bulong ko habang sa ibang direksiyon naka-tingin. Napa-angat naman bigla ang ulo ko at napa-titig sa kanya ng marinig ko itong humagikhik.
“Hehehe jokijoki lang!” — sigaw nito habang naka-peace sign. Napahinga naman ako ng maluwag dahil sa inasal niya.
“Grabe ka, ginulat mo ko.” — sambit ko habang inaayos yung buhok kong naka-pigtail.
“Hehe, ngayon lang kita nakita dito ah, bago kaba? Anong pangalan mo? Ilang taon kana? Freshmen ka rin ba? Ano course mo?” — lively nitong tanong habang naka-tingin sa akin at halatang nag-iintay ng sagot. Napa-kamot naman ako sa aking batok dahil sa sunod-sunod niyang pagtatanong.
“Uh, new student lang ako dito, freshmen palang, business administration yung kinuha kong course. Uhm ano paba.. Ah! Ako pala si Lindy Valleña, 18 years old na.” — naka-ngiting baton ko sa kanya habang iniisip kung meron paba akong naka-limutan sa mga tinanong niya kanina. Nagulat naman ako ng bigla itong sumigaw at hinigit ang kamay ko.
“Waaa! Freshmen rin ako! Business administration rin yung course ko! Classmates pala tayo eh! Hehe.” — sambit nito na sobrang lapad ang ngiti habang hawak-hawak parin ang mga kamay ko. “Ako pala si Bonnita Estrella, 19 years old na, dito na ako nag-aral simula noong junior high school palang ako kaya naman memorize ko na ang bawat pasikot-sikot dito school na 'to.” — dugtong niya habang malawak paring naka-tingin sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/89364198-288-k648696.jpg)
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved