Lindy's POV
Hihikab-hikab pa ako sa antok habang papalabas ng bahay para pumasok. Kagabi ay halos 12:30 na kami nakauwi ni Jao. We talked a lot about random things until we lost our counts on the time. Medyo nawala sa isip namin na kailangan pala naming pumasok kinabukasan.
“Uy lawlaw, sabay kana sakin.” — pang aaya ni Jao habang nasa loob na ng kotse niya at handa nang umalis.
At dahil male-late na ako ay hindi ko na tinanggihan ang offer niya. Jao has a car, at ako ay nag cocommute lang, so it'll be a great help pag sumabay ako sa kanya ngayon.
“Will you please stop calling me lawlaw?” — mataray na paki-usap ko pagka-upo sa passenger seat.
Tinawanan niya lang ako at mas lalo pang inasar. Halos nag asaran lang kami ng nag asaran buong byahe. Kahit magkaibigan na kami ay di parin talaga mawawala sa amin yung ganitong bangayan. Isang bagay na bahagyang ikinatutuwa ko.
“Uy baba na, anong akala mo pag bubuksan kita ng pinto?” — medyo natatawang sambit niya.
Inikot ko ang paningin ko at napagtantong nasa school parking lot na pala kami. Medyo nabangag siguro ako sa antok at di naramdaman ang pag dating namin.
Lumabas na si Jao sa sasakyan at tumapat na sa pinto ng passenger seat kung saan ako nakaupo. I rolled my eyes when I sensed what he will gonna do.
“Ewan ko sayo, as if naman gagawin mo talaga yan.” — sambit ko habang nag aamba nang buksan ang pinto para lumabas, pero laking gulat ko ng bigla niyang binuksan ang pinto at nag-ala body guard na ini-abot pa ang kamay sa akin.
Tumitig ako sa kanya para silipin kung sincere ba talaga ang ginagawa niya, nakita ko siyang naka-ngiti gamit ang napaka-inosente niyang mukha. Nginitian ko nalang siya pabalik at napag-isipang sincere nga siya, ngunit noong aabutin ko na sana ang kamay niya ay inialis niya ito bigla at sinarado ng malakas ang pinto ng kotse.
“Manigas ka! Hahahahaha!” — sambit niya sabay dila at tumakbo na papalayo.
My mouth turned into an ‘O’ shape because of embarrassment.
“Bwisit ka talaga Jao!” — sigaw ko sa kanya habang pinagmamasdan siyang tumatakbo papalayo.
Bwisit!
Napa-busangot nalang ako at mag-isang inalalayan ang sarili ko pababa sa kotse. I should've known na wala nang natitirang pagka-gentleman sa halimaw na yun, bakit paba ako nag tiwala?
Tahimik kong tinahak ang daan patungo sa garden kung saan gaganapin ang 4th punishment namin. I even sighed with the thought na matatapos na ang buong linggo pero wala akong ibang ginawa kundi ang maglinis.
Pagkarating sa garden ay nakita ko si Jao na naka upo sa isang bench ng garden habang naka-talikod. Kahit naka-jacket at nakasuot sa ulo ang hood ay alam kong si halimaw iyon. Idagdag pa ang malaking burda ng apilyido niyang Supamacho sa likod.
‘No offense ha, pero nababantutan talaga ako sa apilyido niya. Ewan, ang weird eh.’
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya para sa pag-ganti na aking gagawin dahil sa ginawa niya kanina. Halos nagmistula pa akong ninja na naka-tingkayad habang ingat na ingat sa bawat hakbang na aking ginagawa. I was very careful not to create any sounds. My surprise attack will probably make the living shit in his ass cry. And with that thought, I smirked.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
