Enemy #39

480 58 1
                                        

Lindy's POV


Pagkarating namin sa parking lot ng school kung saan naka-park yung kotse ni Jao ay agad-agad akong umupo sa passenger seat kung saan makakatabi ko siya. Mwehehe.

Napansin ko ang mga pasimpleng panlalaki ng mata ni Sofia at ang mga pasimpleng pag-irap nito sa akin pero di ko na siya pinansin. Habang nasa biyahe naman ay halata sa mukha ni Sofia ang inis at pagka-irita.

"Ano pala yung sinalihan mong club lawlaw?" - tanong ni Jao habang naka-tingin parin ng deritso sa daan. Napalingon naman ako sa kanya at bahagyang sinilip si Sofia na kasalukuyan ay naka krus ang mga kamay habang masama ang paningin sa akin.

"Nasa music club ako." - matiim kong sagot.

"Naks, music club ka? Di ko alam na mahilig ka pala sa music ha. Edi kakanta kayo niyan?" - tanong ni Jao na halatang natutuwa.

"Oo eh hehe, may banda na kami." - nahihiyang sagot ko. Alam kong never niya pa akong narinig kumanta kasi hindi naman ako talagang mahilig rito, mukha talagang masusubukan yung talent ko dahil sa club na to.

"Oh really? I don't know you know how to sing pala Lindy. It's nice." - sweet na sambit ni Sofia dahilan para mapa-kunot ang noo ko.

'Di ko ba alam pero feeling ko pag nagsasalita siya sa akin ng ganyan ka-sweet, ang plastic ng dating! Siguro kasi alam ko na kung ano yung timpla ng totoong ugali niya eh. Tss.'

"Oo naman, actually yung pangalan ng banda namin ay gin kapitan." - proud na sagot ko sabay silip sa kanya.

"Naks naman lawlaw hehe, susuportahan kita diyan." - sambit ni Jao habang naka-tingin sa akin ng mapahinto kami sa gitna ng traffic. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti dahil sa sinabi niya.

"Oh Jao, I was chosen to be the cheerleader of our club!" - singit ni Sofia kaya natuon ang atensiyon ni Jao sa kanya. Napa-irap nalang ako at tumingin sa labas ng bintana.

"Talaga ba? Ayos din yun ah, you deserve it." - naka-ngiting sagot ni Jao kay Sofia.

Napa-buntong hininga ako ng makita ang mga ngiting iyon ni Jao, kakaiba ito at kapansin-pansin, lalo na yung kinang sa mga mata niya. Alam kong may something sa mga ngiti niyang iyon. Isang bagay na hinihiling kong sana ay dahil sa akin.

Pagkarating namin sa condo ni Sofia ay hindi ko maiwasan ang mapa-nganga. This is a real definition of a luxury!

Maganda ito at malaki. Bagay na bagay ang color baby pink nitong shade. Meron rin itong 2 bedrooms at tanaw na tanaw ang kabuuan ng city dahil naka-base ito sa 10th floor ng building.

"Is it beautiful?" - tanong ni Sofia habang naka-tingin kay Jao.

"Yes it is." - namamanghang sagot ni Jao habang patuloy na inililibot ang paningin sa kabuuan ng unit. "Napaka-ganda dito, parang ang sarap tumira hehe, lalo na't malapit lang sa school." - dugtong pa ni Jao.

"You can stay here naman Jao eh, you can occupy the other bedroom naman while mommy's still in the states." - naka-ngiting sambit ni Sofia kay Jao atsaka yumapos sa kamay nito. Napansin ko naman ang medyo pagka-gitla ni Jao na para bang nailang dahil sa ginawa ni Sofia.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon