Lindy's POV
‘We all have our own insecurities, and sometimes it took hard times for us to accept it. But do you know how insecurities became more painful? It is when the person that you really look up to, slaps hard your insecurity at you.’
Mag-gagabi na pero andito parin ako ngayon sa aking kwarto, patuloy na iniisip ang sinabi ni mama kanina.
Napa-pilit nalang ako ng ngiti ng marealize na wala nga naman talaga akong karapatan na mag react sa sinabi niya kasi totoo naman ang lahat ng iyon. Hindi ako matalino. Bobo ako. Dapat kong tanggapin yun. Pinanganak akong ganto, mamamatay din akong ganto.
Napatayo ako bigla ng maalalang dito pala makikitulog si Sofia sa aking kwarto. Agad kong inayos ang medyo nalukot na kobre kama at pinatakan rin ng eye drops ang mga mata ko para hindi nila mahalata na kagagaling ko lang sa pag-iyak.
Sinilip ko mula sa bintana ng aking kwarto kung ano na ang nangyayari sa seremonyas sa labas at nakitang nagkakasiyahan parin ang lahat. Humaba naman ang leeg ko para mas lalong makita ang buong espasyo pero hindi ko na maaninag sina Sofia at Jao.
Medyo nakaramdam ako ng gutom sa katotohanang hindi ako nakakain ng maayos kanina dahil sa nangyari, kaya napag-desisyunan kong pumunta nalang sa park para sana bumili ng mga tuhog-tuhog na binebenta sa gilid-gilid, but I almost cuss when I realized that it was a bad decision I ever made. Nakita ko si Jao at Sofia na nakaupo habang nagtatawanan sa favorite spot naming dalawa ni Jao. Nice.
Para hindi mag mukhang bastos ay lumapit ako sa kanila para makisali sa kanilang pag-uusap.
"Oh yeah! I remember that.." - narinig kong sambit ni Sofia habang tumatawa pa. Ang sarap pakinggan ng mga tawa niya. Para siyang anghel na bumaba sa langit.
Napatigil sila sa pag-uusap ng mapansing nasa harap na ako, ngumiti nalang ako at tumabi sa kanila which is sa tabi ni Jao. Napapagitnaan namin siya.
"Uy lawlaw, dun ka sa kabilang upuan, masikip na dito oh." - sambit ni Jao na nakapag-pakunot naman ng noo ko bagamat pabiro iyon.
Alam kong ganto na talaga ang ugali niya noon palang pero pag ginaganito niya ako sa harap ni Sofia, I feel uneasy. Hindi ko alam na napatameme na pala ako sa pag-iisip, napabalik lang ako sa wisyo ng marinig ang boses ni Sofia.
"Jao? Stop. It's rude." - ani nito habang naka-pout, napansin ko namang naalerto si Jao dahil dito. "Please say sorry to her." - dugtong pa ni Sofia.
Hindi ko ba alam kung anong meron kay Sofia at simula noong mga bata palang kami ay para siyang isang agimat na napapasunod si Jao. At tulad nga ng sinabi ni Sofia, nag sorry si halimaw pero halata namang napilitan lang.
Nagkwentuhan lang silang dalawa tungkol sa Anatomy, outer space, science, at kung ano pang tungkol sa edukasyon, habang ako ay tahimik lang na nakikinig. Ano namang magagawa ko? Hindi naman ako magaling sa mga ganyang bagay.
Gabi na nung naisipan naming umuwi. Kwetuhan parin sila ng kwentuhan habang ako ay nakasunod lamang sa likod nila. Medyo naiinis ako kay Jao kasi parang nangyayari nanaman yung nangyari dati, hindi nanaman niya ako napapansin dahil sa pag dating ni Sofia. Pero naiintindihan ko naman yun, sadyang namimiss ko lang siguro yung mga pag-aaway namin.
Pagkarating namin sa bahay ay nakita kong papa-pasok silang dalawa sa bahay nila Jao, halatang tulog na sila mama dahil na rin siguro sa kalasingan.
"Uh, Sofia.. di ka paba magpapahinga? Tara na sa kwarto ko?" - sambit ko na hindi ko mawari kung nagtatanong ba o ano. Nagtinginan lang naman sila ni Jao at nag-ngitian.
"Oh, I haven't told you. I am going to stay at Jao's room for the whole vacation." - sagot niya ng nakangiti, hindi naman ako sumagot at tumango nalang.
Agad na rin silang pumasok sa loob ng bahay nila Jao habang ako naman ay pumasok sa bahay namin. Si tita Solenn ay nasa isang guest room sa aming bahay, okay lang kaya sa kanya na matulog si Sofia sa kwarto ni Jao?
Habang nakahiga sa kama ay marami akong naiisip na alam kong hindi nakakatuwa. Masyado na ata akong nagiging selfish para isiping dapat nasa akin lang ang atensyon ni Jao. Rinig na rinig ko ang tawanan at kulitan nilang dalawa mula sa kwarto ni Jao. Parang sinadya ko pang hindi isara yung pinto ng kwarto ko para lang marinig silang dalawa. Nakaka-inggit. Hindi manlang nila ako magawang imbitahan sa pagsasaya nila, kababata rin naman nila ako ah! Nakakalungkot.
Sa sobrang lungkot ay nagsulat ako ng kung ano-ano sa aking notebook ukol sa aking nararamdaman. Masyado nang marami ang nangyari ngayong araw, mas mainam na maibsan 'tong nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagsusulat.
Pag-gising ko kinaumagahan ay alas nuebe na, bumaba ako at nakitang nasa hapag sila papa at nag-aalmusal na halata namang kakagising lang rin.
"Hmm, asan kaya sila Jao?" - bulong ko sa sarili ko na hindi ko naman namalayang narinig pala ng mama ni Sofia.
"Oh iha, nagpaalam sila kanina ni Sofia, mag ma-mall daw sila. Hindi kaba inaya?" - sambit nito, lahat naman sila ay napatingin sa akin.
Ngumiti nalang ako at sinabing inaya nila ako pero ako mismo ang tumanggi, kahit hindi naman talaga. Parang nawalan ako ng gana bigla kaya mas pinili kong magkulong ulit sa kwarto ko.
Hindi nila ako inaya.
A little pinch of anger hit my heart. I hate the fact that the history is repeating itself. Hindi nanaman ako napapansin ni halimaw dahil kay Sofia.
Naputol ang pag-iisip ko ng makarinig ng tawanan mula sa kwarto ni Jao. Nakarating na sila. Palihim ako sumilip at nakinig sa pinag-uusap nila.
"Thanks for the treat Jao!" - sambit ni Sofia sabay yapos kay Jao.
I smiled bitterly with the fact that Jao never treated me. Pagdating sa akin ay lagi siyang maramot. Ang lahat ay lagi dapat may kapalit.
"Naku okay lang. If you need anything just tell me, I'll buy it for you." - sagot naman ni halimaw na parang nahihiya pa. Humaba pa ang kwentuhan nila at parang nawalan na rin ako ng gana sa pakikinig dahil sa ginagamit nilang wika, hindi ko maintindihan masyado. Pero naalerto bigla ang tenga ko noong marinig ko ang pangalan ko.
"Oh my God, we forgot to invite Lindy!" - ani ni Sofia na sinang-ayunan naman ni Jao. Sus ganon naman talaga simula pa nung una. Basta pag magkasama sila, parang nawawala ako sa mundo nila.
Napa-upo nalang ako sa aking kama at napabuntong-hininga. Hayaan na, matatapos rin itong summer at babalik na ulit si Sofia sa States. Hahayaan ko munang magsaya sila.. magsaya siya... Kahit wala ako.
to be continued...
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
Fiksi UmumSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved