Lindy's POV
Andito ako sa mall ngayon ng mag-isa. Saturday ngayon at walang pasok kaya naman naisipan kong mag liwaliw para na rin maiwasan si Jao. I don't know why I'm doing this, pero balak kong pahupain muna ang awkwardness sa amin bago ko siya kausapin.
I've been here for almost 5 freaking hours para lang tumambay. Nakapag-window shopping na ako at nanuod ng sine, good thing that my parents left me some money before they leave. But still, hindi parin nila binabalik ang aking gadgets.
Nang biglang makaramdam ng gutom ay naisipan kong pumunta sa isang sikat na fast-food restaurant. I only have limited money in my pocket and cheap fast-food like this is probably a great help to save.
"Hi maam-- uy maam! Kayo po ulit?"
Napatigil ako bigla sa amba sanang pagpasok ng bigla magsalita ang guard. His voice is quite loud making the other customers look at our direction.
"Uhm, kuya, ako ba kausap mo?" - tanong ko sa kanya habang naka-hawak sa dibdib ko na para bang nagtataka.
"Opo maam! Nakakatatlong beses kana po kayang kumain dito ngayong araw." - natutuwang sigaw nung guard.
I immediately wrinkled my forehead because of what he had said. Tatlong beses?
Pasimple kong nakamot ang aking ulo ng maagaw nun ang atensiyon ng iba. I even saw some of them whispering as if eating for the 3rd time in this fast-food is a crime.
"Ah kuya, baka namamalikmata ka lang." - mahinang wika ko, trying to convince him that it wasn't me.
"Hindi po ma'am, sigurado akong ikaw yun kasi yung damit mo po ay parehas parin ng kanina." - nakangiting sagot niya na mas nagpalakas naman ng bulungan ng mga tao.
Napa-singhap ako ng makaramdam ng pagkahiya. I suddenly want to raise my brows at tarayan ang gwardiya but I calmed myself.
"Ah, bakit kuya ayaw mo naba akong papasukin?" - awkward na tanong ko sa kanya.
"Ay hindi po maam! Okay na okay nga po yun eh. Sige po pasok po kayo at kumain ng kumain hanggang sa tumaba pa kayo ng sobra." — baton niya.
Napa-pikit ako ng mariin dahil sa sinabi niyang iyon. Ang pag busangot sa aking mukha ay hindi ko na naitago. Pakiramdam ko ay biglaang nawala ang aking gutom dahil sa hiya.
Imbes na pumasok ay pinili kong tumalikod, but when I was about to go, I saw a familiar figure that made my eyes widen because of an extreme shock. It was Jao!
Sa sobrang gulat ay bigla akong nagtago sa likod ng guard at gumapang papasok sa restaurant. Narinig ko pa ang pagtatanong ng guard pero hindi ko na iyon pinansin at nagtago sa ilalim ng pinakamalapit na mesa. Sa sobrang dami ng tao ay nakakat'wang walang nakapansin sa ginawa ko. Ang mantle ng mesa ay mahaba dahilan para makapagtago ako ng payapa.
I even rolled my eyes as I realized my current situation. Para akong mamaw na nagtatago sa ilalim ng lamesa. This is so insane!
Ilang segundo palang akong nagtatago ay naramdaman ko nang may umupong kung sino sa pinagkataguan ko. I even gasped when that person dropped his ballpen towards my direction.
![](https://img.wattpad.com/cover/89364198-288-k648696.jpg)
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
Ficción GeneralSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved