(AN: Play the song ‘Ang awit natin’ by Janine Teñoso as you read this chapter, utang na loob hahaha. Tas isunod niyo yung heaven knows.
Ps; basahin ang author's note sa kahulihan ng chapter na 'to.)
-
Lindy's POV
Naka-yuko lang ako habang nakikinig sa sermon ng OB na nag check sakin nung nakaraang dinugo rin ako. I don't know what to say, I really feel down right now.
"Please Ms. Valleña.. wag na sanang maulit to.. ayokong maging suki ka ng klinika ko." - malumanay na pangaral niya atsaka binigyan ng tingin ang buhok kong ginunting ko kanina at napa-pikit.
Mula sa salamin na nasa gilid ng kama ay nakita ko ang postura ng buhok kong naging kagimbal-gimbal ang itsura dahil sa hindi maayos na pagkaka-gupit nito. Halos hindi ko makilala ang sarili ko. Mugtong-mugto ang mga mata ko at halos makalbo na ang buhok ko. Idagdag pa ang maitim kong kulay dahil sa ilang linggong pagbibilad.
"Ito yung gamot na kailangan niyang inumin.. please pakainin mo muna siya bago iyang mga gamot. Kailangan niya rin mag pahinga para maiwasan na ang ganitong sitwasyon." - narinig kong usal ni doctora kay Diana sa labas ng puting kurtina na siyang nagmimistulang divider ng maliit na klinika.
Ilang minuto silang nanahimik at ganoon rin naman ako, maya-maya pa ay pumasok si Diana sa kurtina at napa-buntong hininga ng mapa-tingin sa akin. Hindi naman ako umimik at napa-yuko nalang.
"Uuwi na tayo." - maikling usal niya atsaka dagliang lumabas sa klinika. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
Pagkarating namin sa bahay ay umupo lang ako sa upuan at napa-yuko habang si Diana naman ay may inaasikasong kung ano sa kusina. Hindi siya nagsasalita at ganoon rin naman ako. Tila ba nagpapakiramdaman kaming dalawa.
Mula sa kinauupuan ko ay halos rinig na rinig ko ang mga pag buntong hininga na ginagawa ni Diana. Hindi ko naman maiwasan ang mapa-lingon sa kanya dahil dito.
Nasa ganoon akong sitwasyon ng bigla siyang lumingon sa gawi ko.
“Umuwi ka nalang Lindy.” — malumanay at nakiki-usap na usal niya.
“H-ha?” — halos walang boses kong tanong.
“Umuwi ka nalang sa inyo!” — biglang sigaw niya na bahagya ko pang ikina-gulat pero hindi ko ito ipinakita. “Umuwi ka nalang sa inyo kasi hindi kita kayang intindihin dito!!” — muling sigaw niya atsaka lumapit sa akin.
“A-ayoko..” — tanging nai-usal ko atsaka yumuko.
“Ayaw mo?! Tss, oh edi tara!” — wika niya atsaka mabilis na hinila ang kamay ko. Bigla naman akong napa-tingin sa kanya ng bigla niya akong piliting tumayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/89364198-288-k648696.jpg)
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved