Enemy #26

462 62 3
                                        

Lindy's POV



Isang linggo na ang lumipas simula noong nag entrance exam kami sa D. Harvey University, kaya naman andito kaming tatlo nina Jao at Sofia sa kwarto ni Jao para alamin ang results ng mga naka-pasa sa website ng school.

1 hour and 30 minutes pa ang iintayin bago i-reveal ang name ng mga passers kaya napag-isipan muna naming tatlo na mag movie marathon. Napag-pasyahan naming panoorin ang movie na ‘No escape’ kaya naman halos tarantang-taranta kami sa bawat eksena na pinapanood namin.

“Omg Jao, I'm scared! What if they get caught?” — nag-aalalang sambit ni Sofia habang naka-yapos kay Jao. Hindi ko naman naiwasang mairita dahil sa nakikita ko. Ewan ko ba, natatakot rin naman ako pero di ako nag inarte at yumapos kay Jao.

Ano kaba, wag ka matakot, palabas lang yan hahaha.” — tumatawang baton ni Jao habang naka-tingin kay Sofia. Nakita ko naman ang pag-smirk ni Sofia habang naka-tingin sa akin. Agad naman akong napa-iwas ng tingin dahil sa ginawa niya.

Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko may kakaiba kay Sofia?’

“Mga binibini, kukuha muna ako ng snacks ha? Diyan lang kayo.” — napalingon ako ng biglang magsalita si Jao at napa-tango nalang bilang sagot.

Noong makalabas siya ay agad akong tiningnan ni Sofia ng masama. Hindi ko alam kung bakit pero parang nailang ako bigla dahil sa ginawa niya. Hindi nalang ako nag-ingay at itinuon nalang ang atensyon sa pinapanood namin.

“Hey lawlaw!” — bigla akong napalingon kay Sofia ng tawagin niya ako sa pangalang iyon. “Oh, Jao told me everything about that - lawlaw thingy. I know you're aware that we're too close.” — dugtong nito habang diniinan ang pag-sambit ng, “we're too close.”

Parang bigla akong nainis sa kanya ng tinawag niya akong lawlaw. Si Jao lang ang pinapahintulutan kong tumawag sa akin ng lawlaw at wala nang iba!

“Okay.”chill na sagot ko sa explanation niya sabay tuon ulit ng atensyon sa TV.

“Psh.”rinig kong bulong niya pero hindi ko siya nilingon. “Did you do it in purpose?” — tanong niya kaya agad akong napalingon sa kanya.

“Ano?” — tanong ko habang naka-tingin ng deritso sa mga mata niya, nakita ko naman siyang nag roll eyes at naglakad papalapit sa akin habang naka-pamewang.

“You are supposed to get nursing as your course, then magugulat nalang kami na nag business administration ka bigla. Yung totoo, ginagaya mo ba ako?” — tanong niya sabay upo sa harapan ko na ngayon ay naka-taas ang kilay.

Hindi ko maiwasang mag kunot ng noo dahil sa sinabi niya. Ano daw? Ginagaya ko siya? Bakit ko naman siya gagayahin?

“At bakit naman kita gagayahin ha?” — tanong ko sa kanya habang nakatingin ng deritso sa kanyang mata.

“Malay ko bang you belong to some random bitch pala na insecure sa akin.” — sagot nito sabay balik sa pusisyon niya kanina. Tatayo na sana ako para lapitan siya ng biglang dumating si Jao.

“Yow guys, ito na yung snacks niyo.” — naka-ngiting sambit ni Jao habang inilalapag ang tray sa kama. Nakita ko naman ang pagbabago ng mukha ni Sofia mula sa pagiging mataray na ngayon ay mala-anghel na ulit habang naka-ngiti kay Jao. Tumitig lang ako sa kanya habang naka-kunot parin ang noo.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon