Lindy's POV
Maka-lipas ang limang oras na byahe ay halos nag-unahan kaming lahat na makababa ng bus para pag masdan ng buong lugar.
"Wow!" - sigaw ko habang inililibot ang paningin.
Nasa isa kaming resort na may beach at pool. Halos napaka-ganda rin ng ambiance ng buong place na halatang inspired sa disney world theme. Maraming mga estatwa ng mga disney princess ang nasa paligid, at ang mga pool ay iba-iba rin ang kulay dahil sa pintura nito sa ilalim. Mayroong pink, sky blue, yellow, atbp. Mayroon ring mga cottage malapit sa dagat at mga chairs kung saan pwede kang mag sun bathing. Napaka-linaw rin ng tubig at napaka-puti ng sands! Parang maiisip mo na nasa maldives ka bigla. Mayroon ring mga stalls ng mga pagkain at mga stores for souvenir. Karamihan rin ng mga taong makikita sa loob ng napaka-lawak na resort ay pawang mga foreigners.. kamusta naman kaya yung mga kaklase kong gagastos para sa outing na to? Haha.
"Uy, later na yang pictorial na yan, kailangan muna nating pumunta sa bawat rooms natin." - usal ng kaklase kong si Johnny na siyang nangunguna sa pag budget.
Lahat kami ay lumapit sa kanya. Kasalukuyan siyang may hawak na maliit na box na may papers sa loob.
"So, tatlong tao ang mag stay sa isang room. Syempre separate ang boys sa girls, at para fair at walang reklamo ay mag bubunutan tayo para malaman kung sino ba yung magiging roommates niyo sa loob ng tatlong araw." - paliwanag ni Johnny. Lahat naman kami ay tumango-tango sa kanya bilang baton. "So bawat papel ay merong number. Kung sino yung may kapareha niyong numero ay siyang makakasama niyo sa isang kwarto.. o sige bunot na." - dugtong pa niya.
Lahat ng mga kaklase ko ay lumapit sa kanya at nag unahang mag bunutan. Napa-tingin naman ako kay Ulap na naka-tayo lang sa gilid habang naka-tingin sa kanila.
"Uy, bunot kana run." - bulong ko sa kanya.
"No thanks, I can pay for my own room." - baton naman nito. Pabiro naman akong umirap sa kanya dahil rito.
"Ay wow, rich kid." - natatawang usal ko atsaka lumapit na sa mga kaklase kong nag kukumpulan.
Pagkatapos kong bumunot ay agad kong sinilip ang papel at nakitang may naka-sulat itong, number 4, room 107.
Luminga-linga naman ako sa mga kaklase ko para hanapin yung mga makaka-grupo ko.
"Lindy, saan ka?" - tanong sa akin ni Bonnita habang lumilinga-linga rin.
"Number 4, room 107 ako eh. Ikaw ba?" - baton ko sa kanya.
"Uwaaaah!" - halos gulat akong napa-lingon sa kanya ng tumili ito. "roommates tayo!" - pasigaw niyang sambit.
Dali-dali ko namang sinilip yung papel niya at nagulat ng makitang magka-room nga kami.
Halos hindi namin maiwasan ang mag yakapan sa tuwa dahil rito.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved